Ayon kay Evelyn L. Saradi, malaking tulong ang Walang Gutom Kitchen sa Zamboanga City dahil mayroon na silang mapagkukunan ng libreng mainit na pagkain, lalo na sa oras ng pangangailangan. Para sa kanya, hindi lamang siya ang natutulungan ng programa kundi pati ang iba pang mga pamilya at kabataan na nakararanas ng kagutuman. 🍲❤️
Sa direktiba ni Pangulong @bongbongmarcos, patuloy na pinalalawak ng DSWD ang Walang Gutom Kitchen upang mas maraming komunidad ang maabot.
Sama-sama nating buuin ng kinabukasang walang batang magugutom… LET’S END HUNGER ONE KITCHEN AT A TIME!
📍PASAY BRANCH
Nasdake Building, FB Harrison St., Brgy. 13, Pasay City
⏰ Monday to Sunday | Open on Holidays | 6:00 AM – 3:00 PM (until supplies last)
📍CEBU BRANCH
Pier 4, OKK Square Unit, Arellano Boulevard corner Gen. Maxilom Extension, Barangay Tejero, Cebu City
⏰ Monday to Sunday | Open on Holidays | 6:00 AM – 3:00 PM (until supplies last)
📍ZAMBOANGA BRANCH
FGL Warehouse, Maria Clara Lorenzo Lobregrat Highway, Zamboanga City
⏰ Monday to Sunday | Open on Holidays | 6:00 AM – 3:00 PM (until supplies last)
#BawatBuhayMahalagaSaDSWD❤️ #DSWDServes #REXGatchalian #DSWD #DSWDPH #DSWDPhilippines #WalangGutomKitchen #EndHungerPH #WGKZamboanga
FFPs UPDATE: As of 6PM ngayong Huwebes (Hulyo 2), umabot na sa 726,425 family food packs (FFPs), 13,595 ready-to-eat food (RTEF) boxes at 17,625 non-food items ang naipamahagi sa mga lugar na labis na naapektuhan ng magnitude 7.8 na lindol sa Mindanao.
Bahagi ito ng augmentation request mula sa mga lokal na pamahalaan na nakalaan para sa mga pamilyang naapektuhan sa:
• Zamboanga Peninsula
• Davao Region
• SOCCSKSARGEN
Patuloy na nakikipag-ugnayan ang DSWD sa mga lokal na pamahalaan para matiyak ang maagap na pagtugon at tuloy-tuloy na paghahatid ng kinakailangang tulong sa mga apektadong
komunidad.
#BawatBuhayMahalagaSaDSWD❤️
#EarthquakeMindanao
#EarthquakePH
#LindolPH
MINDANAO EARTHQUAKE UPDATE: Walang humpay ang DSWD sa paghahatid ng kinakailangang tulong ng mga naapektuhan ng 7.8 magnitude na lindol, lalo na sa mga malalayo at liblib na lugar tulad sa Balut Island, Sarangani, Davao Occidental.
Sa pakikipagtulungan sa iba't ibang ahensya at lokal na pamahalaan, matagumpay na nakapaghatid ang DSWD Field Office (FO) 11 - Davao Region ng 4,900 family food packs (FFPs) at 1,092 China-donated sleeping kits para matugunan ang pangangailangan ng mga pamilyang naapektuhan ng sakuna.
Alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., sinisikap ng DSWD na maabot ang bawat komunidad para maibigay ang suportang kailangan nila sa muling pagbangon.
@rex_gatchalian
#BawatBuhayMahalagaSaDSWD ❤️
#EarthquakeMindanao
#EarthquakePH
#LindolPH
MINDANAO EARTHQUAKE UPDATE: Bawat buhay ay mahalaga sa DSWD. Kaya naman, patuloy na inihahatid ng Kagawaran ang kinakailangang tulong sa mga komunidad na naapektuhan ng lindol, maging sa mga pinakamalayo at pinakamahirap marating na lugar.
Bilang bahagi ng patuloy na disaster response operations, namahagi ang DSWD Field Office (FO) 11 – Davao Region ng family food packs (FFPs) ngayong Huwebes (Hulyo 2) sa mga gurong lubos na naapektuhan ng magnitude 7.8 na lindol sa Jose Abad Santos, Davao Occidental, kabilang ang mga nasa liblib na bahagi ng Balut Island.
Alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., patuloy na palalawakin ng DSWD ang paghahatid ng tulong para matiyak na naaabot ang bawat komunidad na nangangailangan ng suporta. (ALRB)
@rex_gatchalian
#BawatBuhayMahalagaSaDSWD ❤️
#EarthquakeMindanao
#EarthquakePH
#LindolPH
MINDANAO EARTHQUAKE UPDATE: Unti-unti nang bumabangon ang mga pamilyang naapektuhan ng magnitude 7.8 na lindol sa Sarangani, at patuloy silang inaalalayan ng DSWD sa bawat hakbang ng kanilang pagbangon.
Ngayong Huwebes (Hulyo 2), ipinagpatuloy ng DSWD Field Office (FO) 12 – SOCCSKSARGEN ang pamamahagi ng emergency cash transfer (ECT) sa Tent City sa Poblacion, Glan para sa mga benepisyaryong hindi pa nakakatanggap ng kanilang cash assistance.
Kabuuang 993 beneficiaries mula sa iba’t ibang barangay sa Glan ang target na mabigyan ng ECT, kabilang ang 828 pamilyang may slightly damaged houses at 165 pamilyang may severely damaged houses.
Sa patnubay ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., patuloy na inihahatid ng DSWD ang agarang tulong-pinansyal para makatulong sa mga pamilyang matugunan ang kanilang pangangailangan habang unti-unti silang nakakabangon mula sa epekto ng lindol.
@rex_gatchalian
#BawatBuhayMahalagaSaDSWD❤️
#EarthquakeMindanao
#EarthquakePH
#LindolPH
May pananagutan ba ang menor de edad kapag gumawa ng krimen?
Marami pa ring may maling akala na kapag menor de edad ang lumabag sa batas, wala na itong pananagutan. Ngunit sa ilalim ng Juvenile Justice and Welfare Act, may mga itinakdang proseso at naaangkop na interbensyon para sa mga children in conflict with the law (CICL), batay sa kanilang edad at sa bigat ng kanilang kaso.
Alamin ang mahahalagang impormasyon tungkol dito, kabilang ang mga umiiral na proseso, interbensyon at mga batas na gumagabay sa pangangalaga at rehabilitasyon ng mga batang lumabag sa batas.
#BawatBuhayMahalagaSaDSWD ❤️
🔴 LIVE NOW: https://t.co/Gz0LqJl7Yc
Alamin ang latest news sa mga programa, serbisyo at aktibidad ng Kagawaran kasama sina Director Lara Duran at Jet Guevarra mula sa Strategic Communications!
Pag-uusapan natin ang pinakabagong ulat sa mga kaganapan ng Kagawaran ngayong Linggo, mga babala laban sa kumakalat na fake news sa Tamang Tulong Sa Tamang Impormasyon Campaign, at mga inspirational stories mula sa mga benepisyaryo ng DSWD at ating Angels in Red Vests.
May chance ka ring manalo ng Php 100 sa GCash! Sumagot lamang sa ‘Tanong ko, Sagot mo’ segment na hatid ng Strategic Communications, at baka ikaw na ang susunod na manalo!
Kung may katanungan ka naman sa DSWD, i-comment lang sa ibaba at sasagutin namin ‘yan nang LIVE!
Lahat ng ‘yan at marami pang iba, dito lang sa DSWD Weekend Report Live! Kaya tutok na at makibahagi sa ating makabuluhang usapan.
#BawatBuhayMahalagaSaDSWD ❤️
Tanghaliang Dinadayo sa Walang Gutom Kitchen Cebu!🍽️
Muling naging abala ang oras ng pananghalian sa Walang Gutom Kitchen sa Cebu ngayong Huwebes (Hulyo 2) habang sunud-sunod na dumating ang ating mga benepisyaryo. Sa maayos na daloy ng operasyon, mabilis na napuno ang bawat hapag kung saan nagsama-sama ang mga ngiti, kwentuhan at mainit nilang pagsasalo.
Sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., patuloy na isinusulong ng DSWD ang Walang Gutom Kitchen bilang bahagi ng layunin ng pamahalaan na mapalakas ang food security at matiyak na mas marami pang Pilipino ang magkaroon ng access sa libre at masustansyang pagkain.
Kaya para sa mga nagnanais maging bahagi ng inisyatibang ito, bukas ang Walang Gutom Kitchen para sa sinumang nangangailangan ng masustansyang pagkain. Walang bayad ang bawat meal at malugod na tinatanggap ng DSWD ang lahat ng dumarating para makisalo sa isang ligtas, maayos at bukas na espasyo kung saan bawat pagkain ay inihahain nang may malasakit.
@rex_gatchalian
#BawatBuhayMahalagaSaDSWD❤️
#DSWDWalangGutomKitchen
4Ps Beneficiaries, Katuwang sa Patuloy na Pagpapahusay ng Programa
Sa pagbisita ni @rex_gatchalian sa Ilocos Norte ngayong Huwebes (Hulyo 2), nakiisa ang Kalihim sa isang Focus Group Discussion (FGD) kasama ang mga 4Ps Parent Leaders at 4Ps City/Municipal Links para talakayin ang mga karanasan, hamon at mungkahi sa pagpapatupad ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).
Ang FGD ay nagsilbing pagkakataon para direktang marinig ng Kagawaran ang mga pananaw mula sa mga benepisyaryo at field implementers, na magsisilbing gabay sa patuloy na pagpapahusay ng programa. Nakiisa rin sa aktibidad ang mga opisyal ng Batac City, kabilang sina Mayor Mark Christian Chua, Vice Mayor Albert Chua, at Senior Board Member Rafael Chua Medina.
Naniniwala ang DSWD na ang pakikinig sa mga benepisyaryo ay susi sa mas mahusay na pagpapatupad ng mga programa. Bilang pagsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., patuloy na pagbubutihin ng DSWD ang implementasyon ng programa para mas epektibong matugunan ang pangangailangan ng mga pamilyang Pilipino. (DIAM)
Photos: BGC
#BawatBuhayMahalagaSaDSWD❤️
#PantawidPamilyangPilipinoProgram
Ilocos Empanada, Ano, Tara? 🤩🥟
Mula sa isang maliit na puhunan, unti-unting lumago ang negosyo ni Aldrich Anthony Rivera, isang benepisyaryo ng DSWD Sustainable Livelihood Program (SLP) mula sa Batac, Ilocos Norte. Para kumustahin ang kwento ng kaniyang pagbangon at pag-unlad ng negosyo, nagtungo si DSWD Secretary @rex_gatchalian sa kaniyang food stall sa Batac Public Market, Brgy. Naguirangan ngayong Huwebes (Hulyo 2).
Sa tulong ng Php15,000 livelihood assistance na ipinagkaloob ng SLP noong 2023, napalawak ni Aldrich ang kanyang Arlene Empanada business mula sa isang puwesto sa Batac Public Market hanggang sa pagbubukas ng isa pang stall sa Currimao Boulevard, na nagbibigay na rin ng trabaho sa dalawa niyang empleyado.
Patunay ito na sa pamamagitan ng SLP, mas maraming Pilipino ang nabibigyan ng pagkakataong makabangon, magkaroon ng matatag na kabuhayan at magpatuloy sa buhay, kaakibat ng layunin ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na palakasin ang kabuhayan ng bawat pamilyang Pilipino at ekonomiya ng mga lokal na komunidad.
Kasama rin sa isinagawang pagbisita sina Batac City Mayor Mark Christian Chua, Batac City Vice Mayor Albert Chua, Senior Board Member Rafael Chua Medina, DSWD Spokesperson Irene Dumlao at DSWD Field Office (FO) 1 - Regional Director Marie Angela Gopalan. (LFR)
Photos: BGC
#BawatBuhayMahalagaSaDSWD ❤️
#SustainableLivelihoodProgram
The Department of Social Welfare and Development (DSWD) Field Office 7 successfully conducted the Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) Saulog Ceremonial Graduation on June 23, 2026, at the Barangay Inoburan Covered Court in the City of Naga, Cebu. @dswdserves
Solar Panels mula sa Blue Carbon New Energy, Nakarating na sa Sarangani at General Santos City
Matapos matanggap ng DSWD Field Office (FO) 12 – SOCCSKSARGEN ang donasyong solar panels mula sa GBF Blue Carbon New Energy Co. Inc., agad itong ipinadala sa mga evacuation center at iba pang apektadong lugar sa Sarangani at General Santos City para magsilbing alternatibong mapagkukunan ng kuryente at makatulong sa mga pamilyang unti-unting bumabangon mula sa epekto ng lindol.
Mula Hunyo 21 hanggang Hulyo 1, ipinamahagi ng DSWD FO-12 ang 41 solar panel sets sa mga sumusunod na lugar:
📍 General Santos City – 14 sets
📍 LGU Malapatan – 10 sets
📍 Barangay Burias – 5 sets
📍 Barangay New Aklan – 5 sets
📍 Barangay Pangyan – 4 sets
📍 Barangay Big Margus – 3 sets
Sa ilalim ng direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., patuloy na nakikipagtulungan ang DSWD sa iba't ibang sektor para matiyak na ang kinakailangang tulong ay naipaaabot sa mga komunidad na higit na nangangailangan.
@rex_gatchalian
#BawatBuhayMahalagaSaDSWD ❤️
#EarthquakeMindanao
#EarthquakePH
#LindolPH
Tamang Kaalaman sa Nutrisyon, Sandata Laban sa Malnutrisyon❤️👨👩👧👦
Isa sa mga hamon na kinakaharap ng maraming pamilyang Pilipino ay ang kakulangan ng sapat na kaalaman sa wastong nutrisyon, na mahalaga sa paglaki at pag-unlad ng bawat bata. Bilang tugon, pinangunahan ni DSWD Secretary @rex_gatchalian ang paglulunsad ng enhanced Family Development Session (FDS) ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) sa Batac City, Ilocos Norte ngayong Huwebes (Hulyo 2).
Tampok sa bagong module ang “Session 9: Tamang Nutrisyon ng Pamilya,” na naglalayong palawakin ang kaalaman ng mga benepisyaryo ng 4Ps tungkol sa wastong nutrisyon, kabilang ang Pinggang Pinoy, Go, Grow at Glow foods, at ang kahalagahan ng tamang nutrisyon sa first 1,000 days ng isang bata. Nakiisa rin sa aktibidad sina DSWD Field Office (FO) 1 - Ilocos Region Asst. Regional Director for Administration (ARDA) Melecio Ubilas Jr. at Batac City Mayor Mark Christian Chua.
Sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., patuloy na pinaiigting ng DSWD ang mga programang nagbibigay sa mga pamilya ng kakayahan para makapagtaguyod ng mas malusog, mas matatag at mas maulad na kinabukasan. (AL)
Photos: BGC
#BawatBuhayMahalagaSaDSWD❤️
#PantawidPamilyangPilipinoProgram
DSWD exec highlights improvements in MTA system, updates on child care facilities in Media Forum
Department of Social Welfare and Development (DSWD) Asst. Secretary for Protective Programs Ada Colico discusses the DSWD’s programs and interventions for minors, particularly those aimed at strengthening child protection and welfare during the DSWD Thursday Media Forum on July 2.
The DSWD official provided updates on the Department's Centers and Residential Care Facilities (CRCFs) and the interventions being extended to children in conflict with the law (CICL), including the ongoing assessment on the two minors involved in the June 22 Tacloban school shooting incident.
Asst. Secretary Colico also shared updates on the DSWD's Minors Traveling Abroad (MTA) system, including upcoming improvements designed to make the application process faster and more convenient for parents and guardians, such as the forming of an express lane for same-day release of travel clearance and group application processing.
The Media Forum is held weekly at the DSWD Central Office’s New Press Center and hosted by Special Assistant to the Secretary (SAS) Raymond Burgos and Digital Media Service (DMS) Director Dianne Joie Ruiz. (CC)
Photos: SCS
#BawatBuhayMahalagaSaDSWD ❤️
DSWD FEATURE STORY: Sa Gitna ng Pagsubok, May Pag-asa: Ang Kwento ni Nanay Gloriosa Astudillo
Si Nanay Gloriosa Magallon Astudillo, 76-anyos at isang biyuda, ay naninirahan sa isang maliit na bahay sa Poblacion, Boston, Davao Oriental. Tulad ng maraming pamilya, nagkahiwa-hiwalay sila ng kanyang limang kapatid nang sila’y magkapamilya na.
Ang kanyang walong anak ay may kanya-kanya na ring buhay, kaya’t siya ay naiwan na mag-isang humaharap sa araw-araw na hamon ng buhay. Sa loob ng maraming taon, ang pamumuhay ni Nanay Gloriosa ay puno ng kawalan ng katiyakan at kahirapan.
Ngunit noong 2017, sa tulong ng isang kaibigan, nagparehistro siya bilang senior citizen at nag-apply sa programa. Tunay na nagbago ang kanyang buhay nang siya ay napabilang dito noong 2026.
Basahin ang kaniyang buong kwento: https://t.co/uxrNr2difF
#BawatBuhayMahalagaSaDSWD ❤
DSWD 🤝 People’s Republic of China, Nakiisa sa Pagbisita sa mga Evacuation Center sa Malapatan, Sarangani
Patuloy na tinitiyak ng DSWD na ang bawat humanitarian assistance na natatanggap ng Kagawaran ay naihahatid at napapakinabangan ng mga pamilyang naapektuhan ng lindol sa Mindanao.
Sa pangunguna ni DSWD Field Office (FO) 12 - SOCCSKSARGEN Regional Director Loreto Cabaya, nakiisa ang mga kinatawan ng Consulate General of the People’s Republic of China sa pagbisita sa Poblacion Gym Evacuation Center at Sapu Padidu Evacuation Center sa Malapatan, Sarangani nitong Miyerkules (Hulyo 1).
Sa pagbisitang ito, nasaksihan nila kung paano nagiging mahalagang bahagi ng pang-araw-araw na pamumuhay ng mga evacuees ang mga modular tents, sleeping kits at kitchen kits na naipamahagi sa pamamagitan ng DSWD.
Sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., patuloy na pinalalakas ng DSWD ang pakikipagtulungan sa mga development at humanitarian partners para masiguro na ang bawat donasyon ay naipaaabot sa mga komunidad na higit na nangangailangan at nagiging tunay na suporta sa kanilang pagbangon. (AL)
@rex_gatchalian
#BawatBuhayMahalagaSaDSWD ❤️
#EarthquakeMindanao
#EarthquakePH
#LindolPH
Maraming salamat po sa pagbabahagi ng inyong saloobin.
Nais po naming ipabatid na ang MDSW ay lokal na pamahalaan at hindi nasasakupan ng DSWD. Ang mga alegasyon o reklamong may kaugnayan sa inyong nabanggit, kabilang ang mga umano'y iregularidad na maaaring kinasasangkutan ng MSWDO, ay wala sa mandato ng DSWD.
Kung nais po ninyong magsumite ng pormal na reklamo, maaari po itong idulog sa Department of the Interior and Local Government (DILG), sa Anti-Red Tape Authority (ARTA), o sa 8888 Citizens' Complaint Hotline, kalakip ang anumang ebidensyang makatutulong sa beripikasyon.
Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa mga programa at serbisyo ng DSWD, maaari pong bisitahin ang https://t.co/wpbfZojJBM.
DSWD PRESS RELEASE: DSWD's Walang Gutom Kitchens serve over 300,000 free hot, nutritious meals
In its fight to end hunger, the Department of Social Welfare and Development (DSWD) successfully served 302,561 free meals through its Walang Gutom Kitchen (WGK) from the time it was launched in 2024 until the first half of 2026.
In December 2024, the DSWD opened its first-ever WGK inside a former POGO hub in Pasay City, followed by the Visayas branch in Cebu City on June 22, and the Mindanao branch in Zamboanga City on June 29. (KI)
READ MORE: https://t.co/ZUhkUR4qK3
#BawatBuhayMahalagaSaDSWD ❤️