THE WORD | Colosas 3:15 (ADB 1905) — April 15, 2026
At maghari sa inyong puso ang kapayapaan ni Cristo, na diya'y tinawag din naman kayo sa isang katawan; at kayo'y maging mapagpasalamat.
THE WORD | Juan 15:5 (ADB 1905) — April 4, 2026
Ako ang puno ng ubas, kayo ang mga sanga: Ang nananatili sa akin, at ako'y sa kaniya, ay siyang nagbubunga ng marami: sapagka't kung kayo'y hiwalay sa akin ay wala kayong magagawa.
THE WORD | Kawikaan 7:1-2 (ADB 1905) — March 16, 2026
1 Anak ko ingatan mo ang aking mga salita, at impukin mo sa iyo ang aking mga utos.
2 Ingatan mo ang aking mga utos at mabuhay ka; at ang aking kautusan na parang itim ng iyong mata.
THE WORD | 1 Tesalonica 5:18 (ADB 1905) — February 27, 2026
Sa lahat ng mga bagay ay magpasalamat kayo; sapagka't ito ang kalooban ng Dios kay Cristo tungkol sa inyo.
THE WORD | Colosas 3:2 (ADB 1905) — February 28, 2026
Ilagak ninyo ang inyong pagiisip sa mga bagay na nangasa itaas, huwag sa mga bagay na nangasa ibabaw ng lupa.
THE WORD | 1 Juan 4:16 (ADB 1905) — February 13, 2026
At ating nakilala at ating sinampalatayanan ang pagibig ng Dios sa atin. Ang Dios ay pagibig; at ang nananahan sa pagibig ay nananahan sa Dios, at ang Dios ay nananahan sa kaniya.
THE WORD | Kawikaan 28:9 (ADB 1905) — February 8, 2026
Siyang naglalayo ng kaniyang pakinig sa pakikinig ng kautusan, maging ang kaniyang dalangin ay karumaldumal.
THE WORD | Kawikaan 28:4 (ADB 1905) — February 2, 2026
Silang nangagpapabaya sa kautusan ay nagsisipuri sa masama: nguni't ang nangagiingat ng kautusan ay nangakikipagkaalit sa kanila.
THE WORD | Kawikaan 21:21 (ADB 1905) — January 30, 2026
Ang sumusunod sa katuwiran at kagandahang-loob nakakasumpong ng buhay, katuwiran, at karangalan.
THE WORD | Amos 5:14 (ADB 1905) — January 29, 2026
Magsihanap kayo ng kabutihan, at huwag kasamaan, upang kayo'y mangabuhay; at sa gayo'y ang Panginoon, ang Dios ng mga hukbo, ay sasa inyo, gaya ng inyong sinasabi.
THE WORD | Kawikaan 28:19 (ADB 1905) — January 26, 2026
Siyang bumubukid ng kaniyang lupain ay magkakaroon ng saganang tinapay: nguni't siyang sumusunod sa mga walang kabuluhang tao ay madudukhang mainam.