KAPATID MO SA PUBLIC SERVICE
Sa panahon ng kalamidad, maaasahan ang pinagsamang puwersa ng News5, One News, One PH, at True FM sa paghahatid ng tapat na balita at serbisyo para sa inyo.
'WE ARE DEEPLY GRATEFUL FOR YOUR LOVE AND REMEMBRANCE OF HIM'
Nagpasalamat ang pamilya Baterbonia sa pakikrimay, pagmamahal, at suporta para sa pumanaw na student-athelete ng Ateneo Blue Eagles men's basketball team na si Rene Baterbonia.
Nasawi si Rene at teammate niyang si Divine Adili sa isang team building activity sa Dipaculao, Aurora nitong Lunes, June 8.
NAKURYENTE HABANG NAGLILINIS
Patay ang 29-anyos na lalaki matapos makuryente habang naglilinis ng bakuran sa Lumangan, Miagao sa Iloilo noong June 8.
Caretaker sa naturang manukan ang lalaki.
Ayon sa imbestigasyon, nahawakan at naapakan niya ang kable ng kuryente habang nakapaa at naglilinis ng lote. Hindi umano nito napansin na may gasgas na ang wiring.
Nadala pa siya sa ospital pero idineklarang dead on arrival. Wala namang nakitang foul play sa insidente. | via April Cuesta
MADARAANAN NA ANG KALSADA SA GLAN
Passable na ang kalsada papasok at palabas ng Glan, Sarangani matapos ang tuloy-tuloy na clearing operations ng DPWH kasunod ng mapaminsalang Magnitude 7.8 na lindol.
Ayon kay DPWH Secretary Vince Dizon, as of 7:00 a.m. ngayong Huwebes, June 11, maaari nang dumaan ang mga sasakyan sa naturang ruta pero one way pa ang ilang bahagi.
Inaasahang mapabibilis ang pagpasok ng relief goods, tubig, pagkain at iba pang pangunahing pangangailangan para sa mga apektadong residente.
Kabilang sa mga prayoridad ng pamahalaan ang pagbabalik ng access sa mga kalsada, tulay, ospital at paaralan. Patuloy ring ina-assess ang lawak ng pinsala sa mga pasilidad.
YELLOW ALERT SA VISAYAS GRID
Muling ilalagay sa yellow alert ang Visayas grid ngayong Huwebes, June 11, ayon sa National Grid Corporation of the Philippines (NGCP).
Ipatutupad ito mamayang 3 p.m. hanggang 9 p.m. Ayon sa NGCP, siyam na planta na ang naka-forced outage sa naturang grid.
Ipinatutupad ang alert status kapag kulang ang suplay ng kuryente kumpara sa
demand nito.
πΈ: NGCP/Facebook
MAGKANO NA ANG BENTAHAN NG ISDA?
Inanunsyo na kamakailan ng PAGASA ang pagsisimula ng tag-ulan, pero kapansin-pansin pa rin ang mainit na panahon.
Posibleng may epekto 'yan sa presyo ng ilang produkto sa palengke gaya ng isda. | via Laila Pangilinan
ARESTADO
Balik-selda ang isang dating personnel ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) matapos mahulihan ng daan-daang libong pisong halaga ng ilegal na droga. | via Karol de Asa
NAIS DALHIN SA SENADO ANG IMBESTIGASYON
Gustong paimbestigahan ni Sen. Robin Padilla sa Senado ang pagkasawi ng dalawang Ateneo student-athletes na sina Rene Baterbonia at Divine Adili. | via Bryan Castillo
AKTIBIDAD SA BULKANG MAYON
Nakapagtala ang PHIVOLCS ng 21 volcanic earthquakes at 16 na volcanic tremors sa Bulkang Mayon ngayong Huwebes, June 11.
Naitala rin sa bulkan ang 312 rockfalls, pagdaloy ng lava, at mahinang strombolian activity.
Nananatiling nakataas ang Alert Level 3 sa bulkan dahil sa patuloy na aktibidad nito.
πΈ: PHIVOLCS-DOST
NBI TASK FORCE SA PAGKASAWI NG ATENEO STUDENT-ATHLETES
Hindi standard ang ginawang coaching style ni Ateneo Blue Eagles men's basketball team head coach Tab Baldwin, ayon sa Philippine Sports Commission (PSC). | via Gio Robles
TINANGAY ANG KALIWANG KAMAY NG SANTO
Tinangay at isinilid sa bag ng isang 'di pa nakikilalang babae ang kaliwang kamay ng imahen ni St. Catherine de Alexandria na nasa loob ng cathedral sa Dumaguete City hapon nitong Miyerkules, June 10.
Nananawagan ngayon ang simbahan na makipag-ugnayan sa kanilang tanggapan sakaling mayroong impormasyon ang publiko sa pagkakakilanlan ng babae at ang kinaroroonan ng ninakaw na bahagi ng imahen. | via Roy Bustillo
SUNOG!
Tanaw ang makapal na usok mula sa kahabaan ng North Luzon Expressway (NLEX) dahil sa sunog na sumiklab sa isang business complex sa Paso de Blas, Valenzuela umaga ngayong Huwebes, June 11.
'OPLAN KONTRA BAHA' WITH SEC. DIZON
Nagsagawa ng clean-up drive ang mga empleyado ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa Las PiΓ±as-ParaΓ±aque Wetland Park umaga ngayong Huwebes, June 11.
Bahagi ito ng Oplan Kontra Baha at pagdiriwang ng ika-128 anibersaryo ng ahensya.
Present dito si Public Works Sec. Vince Dizon. | via #Vidyolante Mark Eribal & Joey Baluyot, News5 Quick Reaction Team
PRAY FOR MINDANAO ππ»
Umabot na sa 2,980 ang naitalang aftershocks matapos ang mapaminsalang Magnitude 7.8 na lindol sa Mindanao as of 8 a.m. ngayong Huwebes, June 11.
Nasa magnitude range na 1.2 hanggang 6.4 ang naitatalang aftershocks kung saan 61 dito ang naramdaman habang ang 783 plotted.
SUNOG SA VALENZUELA
Kita sa bahaging ito ng NLEX ang makapal na usok mula sa sunog sa Paso de Blas sa Valenzuela City ngayong Huwebes, June 11.
πΈ: Armand Nito