BALITAAN ANG HANAP? TARA NA SA NEWS5 YOUTUBE! ⭕
Manatiling updated at maalam sa mga napapanahong isyu sa bansa! Mag-follow at mag-subscribe sa YouTube channel ng News5.
▶ https://t.co/PjUQ7nsOLJ
'IT HAS NO PLACE IN PUBLIC OFFICE'
Binigyang-diin ng Office of the Ombudsman na hindi puwedeng gamiting rason ang "utang na loob" para bigyang-katwiran ni Sen. Rodante Marcoleta ang pagtanggap at hindi pagdedeklara ng P75 milyon na campaign donations.
Kasunod ito ng pormal na pagsasampa ng kasong plunder laban kay Sen. Marcoleta ngayong Biyernes, July 3.
Binanggit daw mismo ni Marcoleta ang terminong "utang na loob" sa isa sa kaniyang mga panayam, kung saan inamin niya ang pagtanggap ng naturang donasyon.
"The moment gratitude is used to explain away 75 million in undisclosed money, it stops being 'utang na loob' and becomes exactly what our plunder and bribery laws were written to prevent," saad ng Ombudsman. | via Camille Samonte
ALL-SENATOR CAUCUS FOR VP SARA’S IMPEACHMENT TRIAL
Nagpulong ang mga senador bilang bahagi ng paghahanda sa pagsisimula ng impeachment trial ni Vice Pres. Sara Duterte sa Lunes, July 6.
Kabilang sa mga dumalo sa caucus sina Senators JV Ejercito, Ping Lacson, Loren Legarda, at Senate President Win Gatchalian.
Nakiisa rin sina Senators Robin Padilla, Erwin Tulfo, Chiz Escudero, Migz Zubiri, Tito Sotto, at Risa Hontiveros. | via Maeanne Los Baños-Oroceo
📷: Office of Sen. Migz Zubiri
LOOK | Ilang pulis ang muling nag-inspeksyon sa senado, ilang araw bago ang Impeachment trial ni VP Sara Duterte. Kabilang sila sa posibleng ideploy sa loob mismo ng senado bilang paniniguro sa seguridad sa lugar.
@News5PH@onenewsph@News5E
‘HINDI SANAY ANG AKING ASAWA AT MGA MUSMOS NA ANAK SA KASUHAN’
Muling itinanggi ni Sen. Robin Padilla na maituturing na pagtakas ang pag-alis nila ni Sen. Bato dela Rosa sa Senate premises madaling-araw noong May 14.
Nagpahayag din siya ng pangamba sa posibleng kaharaping kaso mula sa Department of Justice (DOJ) kaugnay nito.
“Una ay sa pinansyal, hindi po mura ang pagkuha ng abogado. Pangalawa, hindi sanay ang aking asawa at mga musmos kong anak sa kasuhan… [At] matanda na ang nanay ko, hindi sanay ‘yun na hindi ako nakikita at kasama sa bahay,” saad ni Padilla sa isang Facebook post.
#FrontlineExpress | Pinagtibay nina Pres. Bongbong Marcos at Canadian Prime Minister Mark Carney ang pagkakaroon ng free trade agreement sa pagitan ng Canada at Pilipinas.
#FrontlineExpress | Kabilang ang online classes sa mga nakikitang solusyon para maiwasang maantala ang pagkatuto ng mga estudyante tuwing may banta sa paaralan.
#FrontlineExpress | Isinampa na ng Ombudsman sa Sandiganbayan ang kasong plunder laban kay Sen. Rodante Marcoleta ngayong Biyernes, July 3. | via Camille Samonte
GIKASUHAN NA SI MARCOLETA
#News5Bisaya | Gipasaka na sa office of the Ombudsman didto sa Sandiganbayan ang non-bailable nga kasong plunder batok kang Sen. Rodante Marcoleta karong Biyernes, July 3. | via Liway Abas
---
Orihinal nga caption sa Bisaya
THUNDERSTORM ADVISORY
Posibleng makaranas ng katamtaman hanggang malakas na pag-ulan na may kasamang pagkidlat at malakas na bugso ng hangin ang ilang lugar sa susunod na dalawang oras, batay sa 11:14 a.m. thunderstorm advisory ng PAGASA ngayong Biyernes, July 3.
• Pampanga (Mabalacat, Angeles, Porac),
• Tarlac (Bamban, Capas, San Jose)
• Bataan (Mariveles, Limay)
Nararanasan ang naturang kondisyon sa ilang lugar at maaaring magpatuloy sa susunod na dalawang oras at makaapekto sa mga kalapit na lugar.
• Cavite (Ternate, Maragondon)
• Batangas (Nasugbu)
• Zambales (Botolan)
📸: PAGASA-DOST (X)
'STOP RED TAGGING! JUNK TERROR LAW!'
Nagsagawa ng kilos-protesta ang ilang miyembro ng KARAPATAN at iba pang grupo sa harap ng tanggapan ng Department of Justice para ipanawagan ang pagbabasura sa Anti-Terrorism Act of 2020.
Giit ni KARAPATAN Sec. General Cristina Palabay, karamihan sa nabibiktima nito ay puro magsasaka, katutubo, manggagawa at kabataan. | via #Vidyolante Joan Alatiit, Fred Lee, News5 Quick Reaction Team
MARCOLETA, BAKA GAYAHIN SI VP SARA O SEN. BATO? — CENDAÑA
Umaasa si Akbayan Party-list Rep. Perci Cendaña na tutuparin ni Sen. Rodante Marcoleta ang pangako nitong haharapin ang kaso laban sa kaniya at hindi magtatago kung aarestuhin.
Kasunod ito ng paghahain ng Ombudsman ng kasong plunder laban sa Senador ngayong Biyernes, July 3.
"Baka naman sa dulo gayahin niya lang si VP Sara na ayaw humarap sa kaso o kay Bato na tinatakasan ang arrest warrant," saad ni Rep. Cendaña. | via Marianne Enriquez
'KAPAG KINASUHAN, DAPAT HINAHARAP NANG BUONG TAPANG'
Naghain ng counter-affidavit sina Akbayan Rep. Perci Cendaña, Rep. Chel Diokno, at ML Party-list Rep. Leila de Lima sa reklamong inihain ng asawa ni Vice Pres. Sara Duterte na si Atty. Manases Carpio sa Quezon City Prosecutor's Office ngayong Biyernes, July 3.
Nag-ugat ang reklamo sa disclosure ng bank records ni Carpio sa House impeachment hearing laban sa Bise. | via Marianne Enriquez
📸: Akbayan Rep. Perci Cendaña (Facebook)
‘PASOK NA PO KAYO PARA PAG-USAPAN NATIN ‘YUNG IMPEACHMENT’
Hinimok ni Sen. Erwin Tulfo ang kanyang mga kapwa-senador sa minorya na dumalo sa kanilang caucus para pag-usapan at paghandaan ang nakatakdang impeachment trial ni Vice Pres. Sara Duterte sa Lunes, July 6. | via #MOJO Marymon Reyes
“Kapag kinasuhan, hinaharap. Hindi hinaharangan ang EDSA at inaabala ang taumbayan.” -Cendaña
Akbayan Reps. Perci Cendaña, Chel Diokno and ML Party-list Rep. Leila de Lima filed their counter-affidavit at the Quezon City Prosecutor’s Office in response to the complaint filed by Atty. Mans Carpio, husband of Vice President Sara Duterte.
The complaint stems from the disclosure of Carpio’s bank records during a House impeachment hearing against the vice president.
@News5PH