Ang Taytay Advocates of Cultural Heritage (TACH) ay isang organisasyon sa bayan ng Taytay, Rizal na binuo ng mga Taytayeño na ang layunin nito ay itaguyod at ibahagi ang kasaysayan, kultura at pamanang Taytayeño.
#KasaysayangTaytayeño#PamanangTaytayeño
Ang @tachtaytay ay lumagda sa Pledge of Commitment ng National Commission for Culture and the Arts para sa pagpapalakas ng pagtataguyod at pangangalaga ng pangkulturang pamana ng mga lokalidad sa ginanap na "Pamanang Pook" noong Nobyembre 20, sa The Metropolitan Theater.
Yung 54,966 na yan, walang ni isang bayad. Sa katunayan, wala kaming ni isang watcher kahapon.
Ako lang din ang nag-iisa dyan na hindi dinala ng INC, at sa pangalawang pagkakataon, nag-iisang independent (walang local slate) na nanalo.
Sana sa 2028, hindi na ako mag-isa. 🙏🏻
Binabati po natin ngayong araw ang isa sa mga tagapagtaguyod ng kasaysayan at pamanang kultura sa bayan ng Taytay, si Konsehal Tobit Cruz.
Mula po sa amin sa @tachtaytay, kami po ay bumabati sa iyo ng isang maligayang kaarawan, Konsehal @tobitcruz!
Matagumpay na idinaos ang pagsasanay ng @NHCPOfficial sa mga Local Government Units (LGU) ng Kalakhang Maynila at Rizal sa kasaysayan at pamana noong Marso 11-12 sa Lungsod ng Pasay.
Ang @tachtaytay ay nakilahok sa pagsasanay na ito.
#KasaysayangTaytayeño#PamanangTaytayeño
Nakikiisa ang @tachtaytay sa paggunita at pag-alala ng ika-39 na taong anibersaryo ng People Power Revolution ng 1986.
Nawa ang mga aral at diwa ng EDSA Revolution ay hindi makakalimutan.
Mabuhay ang Demokrasya!
#EDSA39#KasaysayangTaytayeño#PamanangTaytayeño
Ngayong araw ay ginugunita ang ika-80 taong anibersaryo ng paglaya ng bayan ng Taytay, Rizal mula sa kamay ng mga sundalong Hapon noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig.
Ang mga retratong ito ay galing sa National Archives ng Amerika.
#KasaysayangTaytayeño#PamanangTaytayeño
Ngayong araw ay ipinagdiriwang sa ating bayan ang Araw ng Pasasalamat o HAMAKA Festival.
Ang kapistahan na ito ay ipinagdiriwang tuwing ikatlong linggo ng Pebrero bilang pagkilala sa mga industriyang ikinabubuhay sa ating bayan.
#KasaysayangTaytayeño#PamanangTaytayeño
Ginanap kahapon ang ating General Assembly ng ating samahan.
Dito ay tinalakay ang mga iba't ibang usapin na may kinalaman sa kasaysayan at pamana ng bayan ng Taytay.
#KasaysayangTaytayeño#PamanangTaytayeño
Ang @tachtaytay ay nakikiisa sa bawat Taytayeño at sa lahat sa pagdiriwang ng Kapaskuhan.
Mula sa amin, kami po ay bumabati ng isang Maligayang Pasko sa inyo! ♥️
#KasaysayangTaytayeño#PamanangTaytayeño
What a convenient way to remove Ninoy Aquino’s face from the 500-peso bill. But it’s not just him—the heroes on the 1,000-peso bill, Jose Abad Santos, Vicente Lim, and Josefa Llanes Escoda, have also been erased. We are a nation that disregards our own history and memory.
Ngayong araw ay ang ika-4 na anibersaryo ng paggiba sa Lumang Munisipyo kasama ang pagtatanggal sa monumento ng ating Pambansang Bayani na si Gat Jose Rizal at ng Inang Bayan.
#KasaysayangTaytayeño#PamanangTaytayeño
Ngayong araw ay ang ika-4 ng anibersaryo ng pagkakatatag ng ating organisasyon.
Kami po ay nagpapasalamat sa inyong suporta at pakikiisa sa aming pagtataguyod sa kasaysayan, kultura at pamana sa ating mahal na bayan ng Taytay, Rizal.
#KasaysayangTaytayeño#PamanangTaytayeño
Maluha-luha kong tinapos ang slides ko para bukas. Ang naging laban ng @tachtaytay para sa Lumang Munisipyo ng Taytay ay isa sa pinakamakamakabuluhang laban ng buhay ko. Naging malaking aral ito sa amin at excited akong ibahagi ito. ☺️