Sa kauna-unahang pagkakataon sa loob ng halos isang dekada, idinaos ang media day ng LA Lakers nang wala si Lebron James.
Ang undisputed franchise player ngayon ng "purple and gold" ang superstar na si Luka Dončić.
Pinagtibay ng mababang kapulungan ng Kongreso ang resolusyong nagbibigay-pugay kay Chris Lorenz Fabian para sa kaniyang pambihirang kabayanihan at sakripisyo sa nangyaring pamamaril sa San Jose National High School sa Tacloban City.
Inter Tropical Convergence Zone o ITCZ pa rin ang makakaapekto sa Visayas at Mindanao sa October 1. May tsansa pa rin ng pag-ulan sa mga lugar na ito kasama ang Palawan, lalo sa hapon at gabi.
Makararanas ng kalat-kalat na pag-ulan ang Eastern Visayas at Caraga Region bunsod ng buntot ng bagyo sa labas ng Philippine area of responsibility.
Samantala, posible ang localized thunderstorms sa malaking bahagi ng Luzon.
Binabantayan naman ng PAGASA ang tropical depression sa labas ng PAR.
Ibinasura ng Korte Suprema ang mga petisyong kumokontra sa hatol ng impeachment court na baguhin ang basehan ng bilang ng senador na kailangan para ma-convict at matanggal sa puwesto si Vice President Sara Duterte. #VPOnTrial
Dapat palakasin ang papel ng kababaihan sa Southeast Asian society,
Ito ang binigyang-diin ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa kaniyang pagharap sa ikaapat na Asean Women Leader's Summit sa Mandaluyong.
Pinatunayan ni Pinoy olympian EJ Obiena na siya pa rin ang pinakamagaling sa pole vault sa Asya matapos maghari sa #AsianGames.
Samantala, pasok na si Pinay tennis star Alex Eala sa semifinals ng women's singles.
Nagpasok sa Sandiganbayan ng not guilty plea ang mga sinibak na opisyal ng DPWH-Bulacan na sina Brice Hernandez, Jaypee Mendoza, at Juanito Mendoza para sa kasong graft.
Matapos ang halos dalawang taong pagkaantala, umusad na ang rehabilitasyon ng DPWH para maibsan ang pagbaha sa UP Philippine General Hospital.
Target ng ahensya na matapos ang pagkukumpuni sa Disyembre.
Makasaysayan ang Hollywood premiere ng "Forgotten Island." Bukod sa ito ang kauna-unahang pelikulang Filipino sa ilalim ng isang major studio, ito rin ang kauna-unahang pelikulang ipinalabas sa prestihiyosong Lucas Museum.
May alok na mahigit P2.5 bilyong refund ang Meralco dahil sa sobrang nasingil sa mahigit walong milyong customers ng kumpanya sa unang anim na buwan ng 2026.
Nilinaw ng mga awtoridad na walang pamamaril na nangyari sa isang paaralan sa Sultan Kudarat, matapos may marinig na malakas na ugong doon.
Samantala, tinutugis ng PNP ang mga miyembro ng "True Brown Style" na umano'y nanghihikayat sa mga kabataan na gumawa ng krimen.
Dinagsa ang star-studded red carpet premiere ng pelikulang "Always Yours, Never Mine" nina Joshua Garcia at Julia Barretto.
Todo-pasasalamat naman ang cast sa mainit na pagtanggap sa kanilang movie comeback.
Tinuloy ng grupong PISTON ang ikalawang araw ng tigil-pasada bilang protesta sa mataas na presyo ng krudo.
Bahagyang nagkatensyon sa pagitan ng mga nagpoprotesta at isang indibidwal na napagkamalang pulis.
Samantala, ilang commuter pa rin ang nahirapang makasakay.