Pagod na pagod na ako
Pero sa muli, kakayanin ko.
Hangga't hindi pa nararating ang dulo -
Lalaban ako.
Pagod na ako
Pero para sa sarili ko ~
Magpapatuloy ako.
Pagod na ako ...
Pagod na pagod.
Pagod na ako sa pagnanasa ng panibagong kwento.
Kwentong iibahin ang takbo ng buhay ko ~
Kwentong yayakapin ang bawat kamalian ko at isasalaysay ang kabutihang nagawa ko ~
Kwentong magpupuno sa lahat ng kakulangan ko at magbubuo ng bagong AKO!