Sa first date natin, dadalhin kita sa lugawan sa tapat tapos tatambay tayo sa tindahan habang umiinom ng gulaman at kumakain ng chichirya. Uupo lang tayo sa gutter. Magkatabi. Maaliwalas ang langit. Hindi mainit. Tapos magkukwentuhan lang tayo ng tungkol sa bawat isa.