Nagkaroon pala ng Distemper Outback dito samin, ilang aso ang namatay dhil dito. At dun siguro nahawa si choc chik. Pero fighter talaga ang baby boy namin. Ayun,tinatakasan na ulit kami dumadaan na naman sya sa kusina palabas. Binubuntis nya na ulit ang unan.
Thank you,Lord. Medyo okay na po ang baby ko. Papataba nalang po sya at papalakas pa. 3 beses na ako kinagat at nauntog pa ako paghabol sa kanya. Tinakasan ako dumaan sa kusina,lumabas sya. Nakakataba ng puso.
2 beses akong kinagat ni choc chik.
1 beses nauntog sa pagbbuhat ko sa knya sa pagmamadali.
Gabi gabi puyat.
Dasal lang at tyaga sa baby ko na may Distemper. Mahal na mahal ka namin. Palakas kapa.
Tumatakbo takbo na ulit sya, nagulat kami na kumakain na ulit sya pero baboy at atay ng manok. Magandang improvement sa health ni Choc chik. Nakikipaglaro na din samin. Sipong sipon lang sya. Pero iba iba na. Thank you Lord 💖🙏.