CHINESE BUSINESSMAN NA KAPATID NG EX-DUTERTE ADVISER, ILEGAL NA NAG-O-OPERATE SA BAKURAN NG DND?
Ipinasara ng Department of National Defense ang isang steel company sa loob ng PHIVIDEC Industrial Authority sa Tagoloan, Misamis Oriental dahil sa umano’y operasyon ng ‘hazardous materials’ at iba pang paglabag na banta sa ‘national security’.
69 na dayuhang hinihinalang illegal alien ang naabutan sa raid ng Presidential Anti-Organized Crime Commission, National Bureau of Investigation, at Armed Forces of the Philippines.
Ayon kay Sec. Gibo Teodoro, semi-autonomous ang government-owned and controlled corporation (GOCC) at walang kinalaman ang pamahalaan sa pagpapatakbo ng kumpanya, kahit nasa loob ito ng lupa ng DND.
Nabatid din sa kalihim na pagmamay-ari ito ng Chinese businessman na si Tony Yang—kapatid ng 'drug lord' at dating adviser ni former president Rodrigo Duterte na si Michael Yang. | RH 52 @ednielparrosa, DZRH News