MING-KANIKO ππ¨π»βπ§
Panis daw kayo sa "helper" ni YouScooper Steeven Dela Cruz mula sa Governor Generoso, Davao Oriental. Ang kaniya kasing "helper," ang "ming-kaniko" na si Mow-Mow!
Ayon kay YouScooper Steeven, lagi raw nasa ilalim ng motor niya si Mow-Mow tuwing maga-adjust siya ng kadena o magbabaklas nito. "Kada mag-adjust na'ko ng kadena, lagi po 'yan sumasali sa'kin. Sisilip sa may ilalim, kapag 'di pa 'yan siya satisfied sa ilalim, lilipat naman po 'yan sa may gilid," kwento ng YouScooper.
Naging tila routine na raw ng dalawa ang ganitong scenario na siya namang kinaaaliwan ngayon sa social media. #YouScoop
COURTESY: YouScooper Steeven Dela Cruz