Kung may lungkot man sa pag-iisa,
May kapayapaan naman itong dala.
At sa mundong puno ng pansamantalang pagdating,
Mas pipiliin ko munang samahan ang aking sarili.
Natagpuan ko na naman ang sarili ko sa harapan ng aking kwaderno. Nagsusulat na naman ako.
Sinusulat ko na naman ang mga salitang hindi kayang bigkasin ng mga labi ko. Malungkot na naman ako.
Marahil ay naghahanap ng daan ang mga luhang namumuo sa aking mga mata. Kayaβt ninanais kong manood ng mga nakaiiyak na palabas, upang magkaroon ng dahilan ang aking damdamin na palayain ang lungkot na matagal nang nakakulong sa aking kalooban.
Kapag nanahimik ako at lumayo ng bahagya, Wag mo akong lalapitan at kakausapin dahil pag ginawa mo yun makakarinig ka ng mga salita na hindi mo gugustuhing marinig.