Sa daming korap at sindikato
Na sa gobyerno'y nagpapatakbo
Di natin mararating ang bukas
Tayo ay laging mapapahamak.
Kaya ano ba ang uunahin
Na dapat tanggalin at palitan?
Ang mga jeep na pampasahero
O bulok na sistema't gobyerno?
Maglinawan tayo.
DFF/2018
#NoToJeepneyPhaseout
MAGLINAWAN TAYO
Sa jeepney na luma at mausok
Ay malaki ang posibilidad
Na makararating ako nang buhay
Sa aking nais na destinasyon.
Pero sa gobyerno na bulok
Ang bayan ay hindi umuusad
At marami na ang namamatay
Sa tokhang, kahirapan at gutom.
(1)
#NoToJeepneyPhaseout
Protest music x jazz x blues x folk
Musikangbayan with Ian Lofamia, Prof. Joel Costa Malabanan, Aila Bathan, Gina Luz Francisco, and Jzasca Corlet
March 3, Friday, 7-10pm
University Hotel, UP Diliman
For tickets, pls message Musikangbayan FB page
Dito, dito sa mabatong entablado ng barikada ng bayang nakikibaka laban sa mapanirang pagmimina, napapanday, nabubuhay at nagkakaroon ng saysay ang bawat letra't himig ng aming mga awit. Maraming salamat. Mabuhay kayo! Tuloy ang laban!
#NoToMiningInSibuyan#MusikangBayan
Salamat sa sipat at suring matalas
Tanaw namin nang malinaw ang bukas
Bituin na laging matingkad ang ningning
Gabay sa dakilang mithiin.
Maraming salamat sa mga kilusang
Buong giting na naitatag
Sa mga labana't mga tunggaliang
Buhay at kamatayang hinarap.
(2)
SALAMAT, JO
Salamat sa awit na aming narinig
Kami'y laging may aawitin
Salamat sa tula na iyong nilikha
Kami'y laging may bibigkasin
Korus 1:
Maraming salamat sa maraming aklat
Sa ami'y maraming namulat
Sa mga turo mo't ginintuang aral
Na halaw sa tunay na danas. (1)
Dahil restricted ang "What Makes a Hero" sa Musikangbayan FB at sa aking personal account, pwede nyo pong madownload ang mga tula ni JMS na nilapatan ng musika ng Musikangbayan sa https://t.co/D3rhkF2i6e
#KaJomaLives
@JamesBicaldo Dahil restricted sa FB, dito ako magsusubok magpost sa twitter. Humbled ako na may nagfollow. Salamat. Naghahanap din kami ng tape dahil wala na rin kaming kopya.
Isang Minutong Katahimikan, isinulat ni Ericson sa loob ng piitan sa Calbayog, Samar. Inarego at ni-record namin 8 years ago sa tulong ni Monet. Malungkot na awiting may taglay na pag-asa para sa lahat ng nagdadalamhati at nakikibaka.
https://t.co/4XMwsLD9Yn