Abot langit ang ginawa niyong pang-aalipusta sa mga searcher niyo @vicegandako@annecurtissmith halos mabaliw na si Christine sa ginawa niyo sa kanya kaloka. May pampagamot ba kayo sa kanya if ever? Itigil na yang show na yan trewww @itsShowtimeNa
“I DON’T NEED TO APOLOGIZE FOR WHAT I DID”
LOOK: Sa episode ngayong araw ng It’s Showtime ay naglabas ng statement si Vice Ganda kaugnay pa rin sa nangyaring episode ng Expecially For You nitong May 31 kung saan napagsabihan ni Vice ang searchee na si Axel matapos na tangkain nitong halikan ang searcher na si Christine.
Ayon kay Vice ay binabawi niya ang nauna niyang tweet nitong nagdaang araw kung saan hihingi umano siya ng patawad kay Axel sa mga nasabi niya, nakausap umano nila si Christine at sinabi nitong totoong na off siya at naging uncomfortable sa ginawa ni Axel kaya naman para kina Vice, host at management at tama lamang ang kanilang naging reaksyon.
Narito ang ilang bahagi ng statement ni Vice:
“I said I will say an apology, ngunit bago ko 'yun gawin dito sa Showtime, ay nag-usap usap kami ng staff, ng aming management, ng aming unit head, ng aming mga producers, at kaming mga hosts, at pinag-aralan namin ang mga nangyari, kasama na rin ang mga psychologists ng Showtime...at nakausap po naming muli si Christine at Axel. At dahil po doon...
BINABAWI KO PO ANG TINWEET KO NA 'I WILL SAY AN APOLOGY, BECAUSE I DON'T NEED TO APOLOGIZE FOR WHAT I DID. ITO ANG AKING PANINIWALA, AT PANINIWALA RIN NAMIN NA HINDI NAMIN KAILANGAN MAG APOLOGIZE BECAUSE WHAT WE DID WAS RIGHT.
Again, nakausap namin sila, at si Christine, base doon sa Tiktok video at sinabi nyang hindi siya na-off and it was okay. Pero nakausap ulit namin sya ng aming staff, producers, at mga psychologists, inamin niyang talaga namang na-off siya. Meron syang naramdaman, na hindi sya komportable, sa ginawa ng searchee. Meron siyang dahilan kung bakit sinabi nya yon sa Tiktok, na hindi na rin namin isi-share..."