KAKASUHAN NI SECOND DISTRICT CONGRESSMAN JOSE CHAVES ALVAREZ ANG MGA DATING MARINES SA PAGDAWIT SA KANYA SA MALE-MALETANG PERA.
Sa Palawan isasampa ang kasong Cyber libel sa 18 dating membro ng Philippine Marines na nagdawit sa kanya na umano’y ipinamigay sa mga kongresista.
May bagong puntahan at gawin ang mga turista at bisita sa Puerto Princesa, ito ang samu't saring water activities sa Floating House sa Ulugan Bay ng Brgy. Buenavista.
Ilan sa mga puedeng gawin dito ang Snorkeling, Kayak at Banana Boat.
TINGNAN | Paghilinugyaw Festival sa S.Espanola
Ati-atihan Street Dancing, Higantes Contest tampok ngayong araw, Jan 18 sa Pista ng Sto.Nino, ang patron ng bayan ng Sofronio Espanola, ito ang taonan nilang Paghilinugyaw Festival.
Photos by Ron Bravo
Sa pagpasok ng 2026, dalhin po natin ang aral, biyaya, at inspirasyon mula sa nakalipas na taon para sa mas masigla at maunlad na pamumuhay!
𝑰𝒔𝒂𝒏𝒈 𝒎𝒂𝒑𝒂𝒈𝒑𝒂𝒍𝒂𝒏𝒈 𝑩𝒂𝒈𝒐𝒏𝒈 𝑻𝒂𝒐𝒏 𝒑𝒐 𝒔𝒂 𝒂𝒕𝒊𝒏𝒈 𝒍𝒂𝒉𝒂𝒕! 🎉
#IpilanNickelCares
Nagsama-sama ang kawani ng ibat ibang tanggapan ng Pamahalaan, mga sibikong grupo at samahan, ngayong umaga ng Disyembre 30 sa Rizal Park ng Brgy. Liwanag, dito sa Puerto Princesa, para sa pag gunita ng ika-129 taong pagkamartir ni Dr. Jose Rizal.
Mananatiling buhay sa bawat Pilipino ang mga aral ni Dr. Jose Rizal sa pagtataguyod ng pagkakaisa at kaunlaran ng bayan nating minamahal. 🇵🇭
#RizalDay#RizalDay2025
Gold Medalist ang 7 taong gulang na si Christiano Gabriel Olandesca ng Brgy.Irawan, PPC sa International Mathematics Olympiad Competition of Southeast Asia (IMOCSEA) sa Osaka, Japan nitong Dec 19 -22. Tinanghal din syang 1st runner Top Scorer in Primary 2 level ng competition.
Spotted sa Iwahig dito sa Puerto Princesa ngayong Dis 22, ang mga dating housemates sa bahay ni Kuya, na sina Fyang Smith, kapareha nitong si JM Ibarra, at ang Green Bones Director na si Zig Dulay. Namahagi sila ng regalong pagkain sa mga PDlL na may sakit at sa IPPF Hospital.
Simula na ngayong araw, Dec 19 ang Nagtabon Surfing Competition sa Brgy. Bacungan hanggang Dec 21. Ito na ang ika-9 na taon ng torneo na Palawan Surf League. Mayroong 50 surfers mula Siargao, Samar, Sorsogon, Zambales at mga taga Palawan ang mga kalahok ngayong taon.
Laban sa korapsyon, minahan at iba pang isyung panlipunan, ang mga isinisigaw ng mga kasapi ng Alpha Phi Omega Theta Gamma Chapter, sa kanilang taonang Run of Valiants, ang Palawan version ng Oblation Run. Kasabay din ito sa pagdiriwang ng ika-100 anibersaryo ng kapatiran.
Isang Palawenya ang lumalaban din ngayon sa 33rd Southeast Asian Games sa bansang Thailand. Siya si Anna Angelica Mitra na kasapi ng Jiu Jitsu Philippine Team. Si Angelica ay anak nina Toto Mitra at Merlyn Mercado, apo siya ng yumaong
Speaker Ramon Mitra.
2 Atletang Palawenyo ang lumalaban ngayon sa Thailand para sa 33rd Southeast Asian Games. Ito ay sina Michaelo Buddin para sa Volleyball, tubong Mangsee sa Balabac si Buddin, at Kent Joerend Cabitac Altarejos sa baseball, Taga Brgy. San Manuel dito sa Puerto Princesa.
Officially switch on na ang Christmas Tree ng Hue Hotels Resorts Puerto Princesa, gabi ng Dec 4 na may temang White Christmas Dreams. Dumalo sa programa ang ilang opisyal ng lungsod.
Nag eenjoy ngayon ang Komedyana at Host na si Kwantie Melai Canteveros Francisco, sa kanyang El Nido vacation.
Sa biyernes ay nasa Puerto Princesa si Melai, dahil mapapanood sya sa Palawan Pawnshop Night sa Balayong People's Park, ganap na ala 7 ng gabi.