Dios unay ti agngina, Ilocos Norte!
Napakasaya talagang makitang muli ang aking mga kakailian na nakikiisa sa ating Uniteam!
Salamat sa lahat ng nag-abang at nag-antay sa amin kahapon.
Karagdagang tatlong headquarters ang ating binuksan kahapon sa pangunguna ng ating mga kasama sa Guimaras at Occidental Mindoro sa mga bayan ng Mamburao at Sta. Cruz.
Napakalaking tulong talaga ng ating mga headquarters sa pagpapakalat ng ating mensahe ng pagkakaisa.
Bago magtapos ang araw na ito, ating alalahanin ang kabayanihan at katapangan ng ating 44 SAF Troopers na nagbuwis ng kanilang buhay para sa ating bansa.
Napapadyak ako sa aliw nang makita ang munting handog ng mga supporters natin sa Western Visayas.
Maraming salamat sa Iloilo Headquarters sa pag-organisa ng Trisikad for BBM. Sama-sama tayo sa biyahe tungo sa pagkakaisa.
Maraming salamat sa ating mga supporters na nagtulong-tulong sa pagbubukas ng ating headquarters sa Antique!
Bukod sa nalalapit na pangangampanya, maaasahan rin natin ang ating tanggapan na humalili sa paglilingkod sa ating mga kababayan sa Region 6 sa oras ng pangangailangan.