Grabe. Tangina. Walang pakiramdam. I feel na dapat umalis na ako sa relasyon na to. Alam niyang umuulan. Alam niyang mahal lahat ng bilihin at gastos. Pero wala siyang pake. Kasi sayang araw niya. TANGINA MO!!!!
Ikaw masaya pero ako sobrang depressed na. Hindi mo napapansin diba. Kasi mukha akong masaya. Mukha akong okay. Pero malapit na malapit na akong bumigay. Manipis na yung tali na hinahawakan ko. Pero kahit na anong paramdam ko sayo. Wala ka pading nararamdaman.
Next year babawi ako. Next year magiging masaya ako. Next year, matututo na akong magkaroon ng walang pake sa ibang tao. Kasi this year, I gave my all. This year, I gave up my happiness. This year, I gave up myself and I gave up my dreams.
Saan kaya pwede pumunta para umiyak at sumigaw na walang mangjujudge sayo. Walang magsasabing nababaliw na ata siya. At walang pipigil sayo hanggang sa naiyak mo na lahat.
dumating ka na ba sa point na gusto mo nalang sumigaw? kahit na wala lang. pero hindi mo alam kung paano or saan? paano ka sisigaw? saan ka sisigaw? anong pwedeng gawin? saan pwede pumunta? kaya mo bang magisa? kakayanin mo bang ikaw lang magisa?
mas gugustuhin mo bang masanay nalang sa sa sakit? hindi mo ba nanamimiss yung ligay? yung saya? yung walang problema? yung mga panahong ok na ok ka. wala kang iniisip or dinadanas na kahit ano.