Top Tweets for #ramilph
DSWD Continues to Support #RamilPH Affected Families in Capiz 🤝🏻
Sa pagpapatuloy ng recovery efforts ng Capiz matapos ang Bagyong #RamilPH, sinimulan ng DSWD Field Office (FO) 6 - Western Visayas ang simultaneous distribution ng emergency cash transfer (ECT) na ginanap sa Sigma Civic Center at Dumalag Gym kahapon ng Martes (Nobyembre 18).
Umabot sa 3,923 pamilya sa Sigma, Capiz at 368 pamilya mula sa Dumarao, Cuartero, Dao at Dumalag ang malugod na tumanggap ng cash assistance bilang tugon sa kanilang basic needs. Sa kabuuan, ang mga severely-affected na pamilya ay nakatanggap ng Php10,010 bawat isa at ang slightly-affected naman ay tig-Php5,005.
Tiniyak ng DSWD na tuluy-tuloy ang suporta ng Kagawaran hanggang sa ganap na makabangon ang bawat apektadong pamilya ng kalamidad, sisiguruhing ang bawat kalinga ay tapat, totoo at maagap alinsunod sa mandato ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
@rex_gatchalian
#BawatBuhayMahalagaSaDSWD ❤️

Road to Recovery ang Hatid ng DSWD sa Sapian, Capiz!
Matapos ang ilang linggo mula nang manalasa ang Bagyong #RamilPH, unti-unti nang bumabangon ang mga pamilya sa Sapian, Capiz habang patuloy ang suporta ng DSWD Field Office (FO) 6 - Western Visayas sa pamamahagi ng cash assistance bilang tugon sa kanilang muling pagsisimula.
Umabot sa 389 na residente ang nakatanggap ng tig-Php5,005 sa ilalim ng emergency cash transfer (ECT) program na ginanap sa Gugma Hall nitong Lunes (Nobyembre 17). Katuwang dito ang mga Angels in Red Vests ng DSWD FO-6 para masiguro ang maayos na koordinasyon sa pamamahagi.
Bilang pagtupad sa atas ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. nakatuon ang DSWD sa higit pang pangangailangan ng bawat pamilya, kasabay ng tuluy-tuloy na pag-alalay sa kanilang pagbangon.
@rex_gatchalian
#BawatBuhayMahalagaSaDSWD ❤️

Munting Tulong ng DSWD, Malaking Ginhawa Para sa mga Nasalanta ng #RamilPH
Matinding pinsala ang iniwan ng Bagyong #RamilPH sa Western Visayas at hanggang ngayon ay bakas pa rin ang pangamba sa ilang pamilyang nasalanta. Sa kabila nito, patuloy na nakaagapay ang DSWD Field Office (FO) 6 - Western Visayas para matulungan ang ating mga kababayan na muling maramdaman ang katiyakan at pag-asa.
Sa pamamagitan ng emergency cash transfer (ECT) program ng DSWD, nabigyan nitong Sabado (Nobyembre 15) ng tig-Php5,000 ang 5,351 target beneficiaries sa Pontevedra, Capiz na naitala na may mga partially-damaged houses. Ang munting tulong na ito ay magsisilbing dagdag suporta para maayos at mabuo muli ang bahagi ng kanilang bahay na nasira.
Makakaasa ang ating mga kababayan na kahit ilang bagyo ang dumaan, hindi sila nakakalimutan ng DSWD — patuloy na aabot, tutulong at sasama sa pagbangon ng bawat pamilya, alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
@rex_gatchalian
#BawatBuhayMahalagaSaDSWD ❤️

Cash Aid for President Roxas, Capiz’s Recovery from Typhoon #RamilPH 🤝💌
Unti-unti nang bumabangon ang mga residente ng President Roxas, Capiz mula sa Bagyong #RamilPH, halos isang buwan nang nakakalipas nang iton ay mag-landfall ng apat na beses sa bansa
Sa tindi ng pagbagyo, maraming mga kabahayan natin ang nasalanata ang mga kabahayan — may mga nasira, mayroon ding nawala nang tuluyan. Matapos ang pamimigay ng paunang tulong na family food packs (FFPs) ay agad na isinunod ng DSWD Field Office (FO) 6- Western Visayas ang payout ng emergency cash transfer (ECT) para sa mga residente ngayong Biyernes (Nobyembre 14).
Makakatulong ang ECT program ng DSWD para makapagsimulang muli ang ating mga kababayan. Maaari nilang gamitin ang cash aid na natanggap para bumili ng mga materyales pampagawa ng sa mga nasirang parte ng kani-kanilang mga bahay. Puwede rin nilang gamitin ito bilang puhunan para maibalik ang kanilang mga negosyo. Kung gusto rin nilang gamitin para sa iba pa nilang gastusin ay malaya silang gamitin ito.
Suportado ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang mandato ng DSWD, sa leadership ni Secretary @rex_gatchalian, na kalingain ang lahat ng mga kababayan nating humaharap sa matitinding pagsubok sa buhay.
#BawatBuhayMahalagaSaDSWD❤️

Prayoridad pa rin ng DSWD ang mga Apektadong Pamilyang ng Bagyong #RamilPH
Isang buwan matapos tumama ang Bagyong #RamilPH sa Panitan, Capiz, patuloy pa rin ang suporta ng DSWD Field Office (FO) 6 - Western Visayas sa mga pamilyang sinalanta ng kalamidad.
Sa pangunguna ng Angels in Red Vests mula sa DSWD FO-6, nagkaroon ng payout ng emergency cash transfer (ECT) sa tinatayang 1,600 benepisyaryo mula sa 20 barangay sa Panitan. Ang bawat pamilyang may partially-damaged houses ay nakatanggap ng tig-Php5,005, habang ang mga may totally-damaged houses naman ay tig-Php10,010 ang nakuha.
Sa pangunguna ng DSWD at alinsunod sa mandato ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. tiniyak ng Departamento na tuluy-tuloy ang pagpapaabot ng tulong hanggang sa tuluyan nang makabangon at manumbalik kabuhayan ng bawat pamilya.
@rex_gatchalian
#BawatBuhayMahalagaSaDSWD ❤️

Food Packs Hatid ng DSWD sa Mga Kababayan natin sa Capiz!
Abot langit ang ngiti ng ating mga kababayan nang mamahagi ang DSWD Field Office (FO) 6 - Western Visayas ng mga kahon ng family food packs (FFPs) para sa mga pamilyang nasalanta ng Bagyong #RamilPH sa Roxas City at Panay, Capiz.
Kaagapay ang Quick Response Team (QRT) ng FO-6, mas mabilis at organisado ang distribution ngayong Lunes (Oktubre 27) kung saan may kabuuang 222 pamilya sa Roxas City ang tumanggap ng FFPs, habang 284 pamilya naman sa bayan ng Panay, Capiz ang nakakuha ng food packs.
Patuloy ang DSWD sa pagbibigay ng serbisyong mapagkalinga at tapat para matiyak na bawat pamilya ay makakatanggap ng agarang tulong at suporta sa oras ng pangangailangan.
@rex_gatchalian
#BawatBuhayMahalagaSaDSWD ❤️

Bawat Kahon ng Pagkain ng DSWD, Hatid ay Pag-Asa sa Pontevedra!
Sa bawat hampas ng unos, may mga kamay na handang umabot. Ito ang ipinamalas ng DSWD Field Office (FO) 6 - Western Visayas sa mga pamilyang labis na naapektuhan sa nagdaang Bagyong #RamilPH sa Brgy. Ilaya, bayan ng Pontevedra sa Capiz.
Nitong Martes (Oktubre 21), mahigit 291 pamilya ang tumanggap ng mga kahon ng family food packs (FFPs) na naglalaman ng bigas, de-lata, cereal drink, at kape — mga simpleng pantawid gutom na simbolo ng pag-asa at malasakit.
Alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at sa gabay ni DSWD Secretary @rex_gatchalian, patuloy ang Kagawaran sa paghahatid ng serbisyong may puso at kalinga para sa bawat pamilyang Pilipino.
#BawatBuhayMahalagaSaDSWD ❤️

Walang Patid ang Tulong ng DSWD sa mga Sinalanta ni #RamilPH sa Capiz
Ilang araw matapos ang pananalasa ng Bagyong #RamilPH sa probinsya ng Capiz, patuloy ang DSWD Field Office (FO) 6 – Western Visayas sa paghahatid ng pangunahing tulong sa mga pamilyang labis na naapektuhan ng matinding pag-ulan at pagbaha.
Nitong Martes (Oktubre 21), umabot sa 542 pamilya mula sa Barangay Ilawod, Pontevedra, Capiz ang masayang nakatanggap ng family food packs (FFPs) mula sa DSWD bilang tugon sa kanilang pangangailangan sa pagkain.
Bahagi ito ng pagtalima sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na tiyaking walang pamilyang Pilipino ang magugutom at mapapabayaan sa panahon ng kalamidad.
@rex_gatchalian
#BawatBuhayMahalagaSaDSWD ❤

TULOY-TULOY ANG PAGTULONG SA PANAY! 🤝
Kasama nating bumisita si DSWD Secretary Rex Gatchalian sa mga evacuation centers sa Panay upang kamustahin ang ating mga kababayang apektado ng bagyong #RamilPH. Kasabay nito ang pamamahagi ng Family Food Packs (FFPs) para matiyak na may pagkain ang bawat pamilyang Pilipino. ❤️
Kahit saan, kahit kailan, handa ang DSWD tumugon. 🙌
#BawatBuhayMahalagaSaDSWD #DSWDServes
#DisasterResponse #TulongNaHandogNgDSWD #Panay #REXGatchalian
WALANG MALIIT O MALAKING SAKUNA, LAHAT AY MATUTULUNGAN NG DSWD! 🙌
Kamakailan lamang, binisita natin ang Pontevedra Evacuation Center sa Capiz at namahagi tayo ng family food packs o FFPs sa mga residenteng naapektuhan ng Bagyong #RamilPH
Paalala ni Secretary REX Gatchalian na wala dapat ika-pangamba ang mga residente dahil ang ating Departamento ay laging nakaalalay sa anumang sakuna ang mangyari sa bawat sulok ng bansa, maliit man o malaki!
#BawatBuhayMahalagaSaDSWD❤️
#DSWDServes #REXGatchalian
#BagyongRamilPH
TULOY-TULOY ANG PAGTULONG SA PANAY! 🤝
Kasama nating bumisita si DSWD Secretary Rex Gatchalian sa mga evacuation centers sa Panay upang kamustahin ang ating mga kababayang apektado ng bagyong #RamilPH. Kasabay nito ang pamamahagi ng Family Food Packs (FFPs) para matiyak na may pagkain ang bawat pamilyang Pilipino. ❤️
Kahit saan, kahit kailan, handa ang DSWD tumugon. 🙌
#BawatBuhayMahalagaSaDSWD #DSWDServes
#DisasterResponse #TulongNaHandogNgDSWD #Panay #REXGatchalian
Mahigit 36,000 Food Packs, Naiparating sa mga Nasalanta ng Bagyong #RamilPH!
FFPs Update: Matapos ang tuluy-tuloy na disaster relief operations ng DSWD, naipamahagi na ang kabuuang 36,801 kahon ng family food packs (FFPs) sa mga pamilyang labis na naapektuhan ng bagyong #RamilPH sa iba’t ibang lalawigan.
Sa panahon ng kalamidad, patuloy na matatag ang DSWD sa layuning maihatid ang mabilis na tulong at pagkain sa bawat apektadong komunidad. Ang agarang pagresponde ng DSWD, sa ilalim ng pamumuno ni Secretary @rex_gatchalian, ay bahagi ng pagsisikap ng pamahalaan na matiyak na walang Pilipinong magugutom sa gitna ng sakuna, alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
#BawatBuhayMahalagaSaDSWD ❤️

Tiniyak ni DSWD Sec. Rex Gatchalian na hindi iiwan ng pamahalaan ang mga komunidad na sinalanta ng Bagyong #RamilPH hanggang sa tuluyang makabangon ang mga apektadong residente.
https://t.co/pSioXkD6UG
UPDATE: Severe Tropical Storm "Fengshen” (formerly #RamilPH) is being monitored outside the Philippine Area of Responsibility (PAR), according to PAGASA as of 8 AM.

UPDATE: Severe Tropical Storm "Fengshen” (formerly #RamilPH) is being monitored outside the Philippine Area of Responsibility (PAR), according to PAGASA as of 8 AM.
Meanwhile, the low pressure area inside PAR has developed into a tropical depression and was given the local name #SalomePH, the weather bureau added.
Courtesy: DOST-PAGASA/FB

WEATHER UPDATE: As of 8:00 a.m. ngayong Miyerkoles, Okt. 22, binabantayan pa rin ang Severe Tropical Storm "FENGSHEN" (dating #RamilPH) sa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR). (Soruce: PAGASA)
(1/2)

(2/2)
Samantala, patuloy pa ring binabantayan sa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang Severe Tropical Storm #RamilPH.
📸@dost_pagasa
Last Seen Hashtags on Sotwe
Trends for you
Most Popular Users

Elon Musk 
@elonmusk
241.1M followers

Barack Obama 
@barackobama
119.1M followers

Cristiano Ronaldo 
@cristiano
112.5M followers

Donald J. Trump 
@realdonaldtrump
111.8M followers

Narendra Modi 
@narendramodi
107.1M followers

Rihanna 
@rihanna
98.2M followers

NASA 
@nasa
92.2M followers

Justin Bieber 
@justinbieber
91.3M followers

KATY PERRY 
@katyperry
88.7M followers

Taylor Swift 
@taylorswift13
82.6M followers

Lady Gaga 
@ladygaga
74.1M followers

Virat Kohli 
@imvkohli
71.5M followers

Kim Kardashian 
@kimkardashian
70.3M followers

YouTube 
@youtube
68.7M followers

Bill Gates 
@billgates
64.5M followers

Neymar Jr 
@neymarjr
64.4M followers

The Ellen Show
@theellenshow
62.4M followers

CNN 
@cnn
61.8M followers

Selena Gomez 
@selenagomez
61.8M followers

X 
@x
60.8M followers

























