Today's my birthday and here I am crying because I don't wanna take the exam for this month. I'm afraid. Super duper afraid. I want to run. I wish magkasakit nalang ako sa exam para di nalang ako makatake. Takot na takot ako kasi di ako ready. Ya Allah pagod nako😭.
Sabi ni ate ako nalang daw ang pag-asa niya. Pareho sila ng sinabi ni ume. Kawawa naman ang nanay at ate ko. Yung akala nilang pag-asa mas lalo pa pala silang ilulugmok😔.
Bakit ako ang binigyan mo ng ganitong problema po? Diko na kaya sunod sunod na problem binibigay mo sakin. Akala ko ba lahat ng binibigay mo sa alipin mo kayang isolve. Bakit po yung akin di pa nasosolve ang isa wala na. Bakit ako pa po?
Natatakot ako sa mga susunod na gagawin nila. Malalaman na nila ume na madami akong utang. Nakakahiya masyado. Guso ko man magtrabaho kaso walang kumukuha sakin. Napapagod at nadedepressed nako sa problemang to. I'm in serious debt. Hindi ko na alam ang gagawin ko.
Nadissapoint ko siya. Yan yung pinakainiiwas-iwasan kona mangyari pero nangyari na. Sorry lovesy. Patawarin mo po ako. Alam kong nasira na ang image ko sayo. Sorry.
Kaya gusto ko bumalik sa pagiging independent kasi when I need you the most you're not there. Hindi kita basta matawagan kasi busy ka sa work. Kaya dapat lang din na maging successful ako para din sa kapakanan ko.
But then, I understand dn naman. Kung bakit. Sometimes naiisip ko dn na super understanding ko naman kasi hinahayaan ko lang hahaha. Pero para dn kasi sa future ang ginagawa niya heheh. So yeah. Understandable.
Whenever he says "sorry kasi di na rin kita nakakamusta", I am hurt at the same time sad. It's true. Kulang ako sa attention ngayon. Lalo na sa attention niya. Wala nang nangangamusta sakin di tulad ng dati. Busy na siya. Kaya siguro naiiyak ako pag nasasabi niya yun.
Yung mga pangarap ko dati di ko na natutupad. Grabe kasakit kasi parang nawalan ako ng saysay. Sana maayos ko na buhay ko. Isang fail lang ang nangyari sakin tas grabe na ang epekto.
Gustuhin ko man na kausapin siya ng mahabang oras ngunit katawan na niya ang sumusuko sa sobrang pagod. Kaya magtitiis nalang ako na hindj siya makausap para di na ako makadagdag sa problema niya.