BREAKING: Cayetano Bloc Drags Sotto and Lacson Into Flood Control Controversy, Presents Helicopter Photos in Unofficial Hearing
Lalong lumawak ang saklaw ng kontrobersyal na flood control hearing ng kampo ni Sen. Alan Peter Cayetano matapos madawit sina Sens. Tito Sotto at Ping Lacson sa pagpapatuloy ng kanilang unofficial investigation na tampok muli ang 18 tinaguriang "ex-Marines."
Sa isinagawang video presentation ng Cayetano bloc, ipinakita ang mga larawan nina Sotto at Lacson sakay umano ng isang Augusta helicopter na iniuugnay kay dating Ako Bicol Party-list Rep. Zaldy Co, isa sa mga pangalang matagal nang nababanggit sa usapin ng flood control projects.
Sa pagdinig, tinanong ni Sen. Rodante Marcoleta ang isa sa kanilang resource persons tungkol sa umano'y koneksyon ng dalawang senador kay Co. Ayon sa resource person, kuha umano ang mga larawan noong panahon ng eleksyon.
Ngunit mas naging kontrobersyal ang naging paliwanag ni Sen. Alan Peter Cayetano tungkol sa ipinakitang mga larawan.
"Ang context nito ay magkakilala at magkaibigan sila," ani Cayetano, habang binabanggit din ang alegasyong may naghatid umano ng pera sa opisina ni Tito Sotto.
Gayunman, walang dokumento o ebidensyang inilahad sa mismong presentasyon na direktang nag-uugnay kina Sotto at Lacson sa anumang ilegal na transaksyon kaugnay ng flood control funds. Ang ipinakitang ebidensya ay pangunahing nakatuon sa umano'y relasyon at pagkakakilala ng mga personalidad na nabanggit.
Dahil dito, lalong umigting ang mga tanong kung ang hearing ba ay nakatutok sa pagbusisi ng flood control anomalies o nagiging venue na rin para sa pagpapalawak ng mga alegasyon laban sa mga political figures na wala pang pormal na kaso o reklamo na naihahain.
Habang nagpapatuloy ang hearing ng Cayetano bloc, inaasahang mas marami pang pangalan ang maaaring madawit sa lumalawak na political at corruption controversy.
Pinuna ng political commentator-content creator na si Atty. Race Del Rosario ang naging paraan ng pagtatanong ni Senator Rodante Marcoleta sa pagdinig ng Blue Ribbon Committee ngayong Huwebes, Hunyo 4, kaugnay ng flood control projects scandal.
Puna ni Del Rosario, mistulang mas alam pa umano ni Marcoleta ang mga dapat na sabihin ng 18 nagpakilalang dating miyembro ng Philippine Marines kaysa mga ito.
#PilipinasToday
#RodanteMarcoleta
#RaceDelRosario
#FloodControlProbe
#SenateBlueRibbonCommittee
#SenatePH
@jesusfalcis Kredibilidad??? in the first place wala na silang credibility the time that they all dismissed in their service and the time that they accepted the job to deliver those so called "maleta"
@csn_kupwe Ang di ko gets bakit bibigyan ni zaldy co si de lima kung wala naman sya sa position?? And during those time diba Uniteam pa sila bakit makikipag alyansa sya sa kaaway ng uniteam??