Opisyal nang binuksan ng Quezon City Government ang aplikasyon para sa Betty Go-Belmonte Research Grants Program.
Sa ilalim ng programa, mabibigyan ng suporta ang mga pananaliksik na makakatulong sa pangangailangan ng komunidad at magsisilbing gabay sa pagbuo ng mga polisiya ayon sa 14-point agenda ng Pamahalaang Lungsod.
Bukas ang programa para sa mga undergraduate at postgraduate Filipino students na residente ng Quezon City o kasalukuyang nag-aaral sa isang higher education institution sa lungsod.
Para sa mga interesadong aplikante, maaaring isumite ang requirements sa pamamagitan ng Betty Go-Belmonte Research Grants module sa QC e-Services Portal (https://t.co/8bq91ddwqv) hanggang August 31, 2026.
Basahin ang buong detalye rito:
https://t.co/5MriblSqCZ