Took my first Antigen Test
Think Positive, and the result is NEGATIVE
Thank you Lord 🙏🙏🙏
Our barangay is under granular lockdown
#Aparri#Cagayan#COVID19
LORD, I will never forget this days
November 27 / December 10 / December 25 / December 28, at may darating pa sa katapusan at next month...
Ang aking pagluha at pagpapakumbaba ay nagbunga ng pagpapala sa gitna ng pagkukulang ko
Salamat Ama, Glory unto You
Ang lahat ng bagay na tinatamasa natin ngayon ay maaaring mawala ng walang pinipiling oras, minsan dahan-dahan, minsan biglaan, kaya maging maingat sa pakikitungo sa kapwa.
Makitungo ng mabuti sa kapwa, balang araw, sila ang tutulong sa atin, kapag tayo naman ang nangailangan.
At dahil sa aking pagpapakumbaba, ibinigay Mo pa rin, dahil mahal Mo ako... Salamat po Ama sa magandang kaugalian na iniwan ng Nanay at Tatay ko, ang mapagpatawad, mapagkumbaba, at mapag-unawa.
Sulit ang luha, at pagdulog sa Iyo, dahil IKAW ang tangi kong kakampi 🙏🙏🙏
Thank you LORD, grabe ang pasasalamat ko sa Iyo, sa aking pagpapakumbaba at paghingi ng tawad, at pagpapatawad Mo sa akin sa lahat ng aking pagkukulang sa aking kapwa, ay pinagpala mo pa rin sa hindi ko inaasahang pagkakataon, hindi ko deserve ang blessings kung tutuusin...
"Do not spoil what you have by desiring what you have not; remember that what you now have was once among the things you only hoped for." - Epicurus #gratitude#thankful#wisdom#QOTD
Lord, 2020 is a very tough year para sa amin, ang daming pagsubok, pagtatalo, di-pagkakaunawaan, pagkukulang, pagkakamali, may mga nawala, may mawawala pa, nasirang samahan at iba pa... Nahihirapan na kami, IKAW na lang ang sandigan at kakampi namin.
Heto na siguro yung magandang iniwan na aral ni Papa sa akin bago siya pumanaw, ang magpatawad sa kapwa, iwasan ang di pagkakaunawaan, at magkaroon ng magandang pakikitungo sa kapwa. Nagkukulang pa rin ako, pero sana magaya ko ang ugali nila, I love you Papa and Mama.
#Inspired
4 years ago, hindi ko nakita ang pagpanaw ng aking mahal na Ina, dahil nataon na nasa bahay ako, at nabalitaan ko na lang nung tumawag si Papa, bumalik ako ng hospital, I was devastated, halos sinisi ko ang Diyos, "bakit hindi Mo binigyan ng isa pang pagkakataon ang Nanay ko"
Totoo, mahirap tanggapin ang pagsumamo ng isang tao, pero tandaan natin, mas mahirap ibigay ang tawad sa isang taong di na makakarinig at di na nakakapagsalita. Time is so precious, let us not live life full of anger and hatred.