Walo na lang na tulog, eleksyon na. Pwede ko na po bang hilingin ang tulong ninyo?
Kung naniniwala kayo sa laban ko laban sa katiwalian, kung sa tingin ninyo ay kailangan ng Senado ng taong may tapang, integridad at tunay na malasakit sa pera ng bayan, ikampanya niyo po ako sa mga kakilala niyo. Sa pamilya, sa kaibigan, sa kapitbahay, sa mga nasa group chat, sa mga dating kaklase, sa katrabaho. Ang boto nila, baka yun ang maging tulak para may mapanagot, may magbantay at may lumaban para sa atin sa Senado.
Payag ba kayong magsama tayo hanggang dulo? #45HeidiMendoza
Papalapit na tayo sa exciting part! Sa tulong ninyo, pasok tayo sa Magic 12 sa pinakabagong OCTA Research survey! 💚
Kahit wala tayong limpak-limpak na ginagastos, pinapatunayan natin na sa pamamagitan ng ating patuloy na sama-samang pagkilos, kaya natin. Sa bawat nagpapa-tarp at kalendaryo, sa bawat post at share sa social media, at sa bawat paanyaya sa mga piyesta, forum, at pagtitipon kung saan naibabahagi natin ang ating plataporma para sa tapat at totoong pamamahala, mas malaking suporta at patas na kita para sa ating mga magsasaka at mangingisda, at mas abot-kaya at masustansyang pagkain para sa lahat.
Sa kabila ng mga fake news at paninira, ang tunay na kapangyarihan sa halalan ay ang taumbayang kumikilos at naninindigan para sa katotohanan. 🙌 Sa tulong ninyo, ipapakita natin na ang prinsipyo — hindi pera — ang mananaig sa Senado! 🇵🇭
#TapatAtTotoo
#KikoSaSenado2025
#51PangilinanKiko
NASA PUSO TAYO NG BULACAN! 💚
Maraming salamat, Bulacan, sa inyong mainit na pagtanggap at walang sawang suporta! Taos-pusong pasasalamat kina Gov. Daniel Fernando, Vice Gov. Alex Castro, Mayor Christian Natividad at Vice Mayor Migs Tengco Bautista ng Malolos, Cong. Tina Pancho ng 2nd District, BM Nono Castro, BM James Santos, at dating Cong. Apol Pancho!
Lubos din ang pasasalamat sa Robredo People’s Council - Bulacan, Youth Volunteers, Robredocs, Ma’am Violeta Luna, at Reynosa Castro sa patuloy na pagkilos at paninindigan!
Tuloy ang ating sama-samang pagkilos para sa mas abot-kayang pagkain at mas maraming oportunidad para sa bawat pamilyang Pilipino! 🇵🇭
I am from the LGBT community. I continue to SUPPORT #45MendozaHeidi for SENATOR! Hindi lang usaping marriage chenes ang problema ng bansa. Napakalaking problema ang korupsyon!
IBOTO @HeidiMendoza45 ngayong #Halalan2025! May chance for her to change her position on the matter.
May krisis sa edukasyon, gutom ang ating mga anak, at kulang sa nutrisyon at timbang. Ito ang dahilan kung bakit natin isinusulong ang Libreng Almusal para sa lahat ng pampublikong paaralan mula daycare hanggang Grade 12. Maraming bata ang hindi nakakapasok o hindi nakakatutok sa kanilang pag-aaral dahil pumapasok nang gutom, kaya pati ang kalidad ng edukasyon ay apektado rin.
Mahalaga ang partisipasyon ng pribadong sektor sa ating isinisulong na batas, tulad nitong Kawa Pilipinas na pinangungunahan ni Mae Paner. Sa ating sama-samang pagkilos, malaki ang magagawa upang masolusyunan ang problema ng gutom sa ating mga kabataan.
#TapatAtTotoo
#KikoSaSenado2025
#51PangilinanKiko
Turuan natin ng leksyon ang mga Villar.
Huwag iboto si Camille Villar otherwise babawiin nya ang bilyones na kanilang ginastos ngayong eleksyon!
Maging matalino sa pagboto
Mga anak, our official jingle is now available via Facebook and Instagram Story - Music.
When you post or share stories (Posts) Kindly search for Music - and type Imbestigadora.
Happy Online Campaigning! 💜🇵🇭
#45HeidiMendoza#Imbestigadora
Dios mabalos kay former Vice President at susunod na Naga City Mayor Leni Robredo at sa Lakas ng Kababaihan ng Barangay Balatas sa mainit na pagtanggap sa culminating activity para sa National Women's Month! Mabalos din kina Cong. Gabby Bordado ng 3rd District ng Camarines Sur at Cong. Arnie Fuentebella ng 4th District, at sa buong An Bagong Team Naga.
Bilang principal author ng 105-Day Expanded Maternity Leave Law, isinulong natin ang mas mahabang pahinga at pag-aalaga para sa mga ina at kanilang mga sanggol. Pero hindi dito nagtatapos ang ating pagkilos—dapat tiyakin natin ang mas abot-kayang pagkain, mas maraming oportunidad, at libreng almusal mula preschool hanggang Grade 12 sa pampublikong paaralan. Para sa bawat nanay na nagtataguyod ng pamilya, kailangang may sapat na suporta upang masigurong mas maliwanag ang kinabukasan ng kanilang mga anak.
#TapatAtTotoo
#KikoSaSenado2025
#51PangilinanKiko
KIKO-BAM-HEIDI AND LUKE-KA LEODY LEADS DE LA SALLE MOCK ELECTIONS.
Former Senator Francis Pangilinan (67%) emerged as the top senatorial candidate in the De La Salle University-Manila's University Students Government Boto LaSalyano Mock Elections conducted from March 10 to 15.
Habang nagmamagaling yung isa dyan tungkol sa kaso ng tatay niya sa ICC, patuloy na nagsusulputan ang mga pekeng recipient ng confidential funds mula sa opisina niya.
guys sorry if i’ll flood you with kiko, bam, ML, and akbayan posts huhuhu i just really want them to be elected 😢
and tbh, lagi ko silang sinasama sa prayers ko 🙏
our country badly needs this win talaga 🇵🇭