Hinarap ng mga manggagawa ang milyun-milyong tanggalan sa trabaho, lalong binarat na sahod, pagtaas ng presyo ng bilihin, pagsupil sa mga unyon, maging pag-aresto at pagpatay sa mga lider-manggagawa na ang ating sinusulong ay kanilang mga batayang karapatan.
Mariing tutulan ang di pagkilala ng China sa 'ting soberanya at pagsagasa sa ating mga mangingisda. Pagkaisahin ang ating boses at tutulan ang sinumang banta sa ating soberanya at nanyuyurak sa ating mga karapatang pantao. Pagbayarin si Duterte at palayasin ang China sa bansa!
Ipagpatuloy ang kagitingan! Ipagtanggol ang ating karagatan, kalikasan, at karapatan!
Makibaka, wag matakot!
Atin ang Pinas, China layas!
Imperyalismo, ibagsak!
Ngayong nagpapatuloy ang pangongolonya, panlulupig at pananamantala ng mga dayuhang mananakop at imperyalista, bilang mga bagong salinlahi ng kagitingan, hamon sa ating hindi tumigil sa militanteng paglaban para sa ating kalayaan at karapatan.
University wide academic break, iapela!
Tuloy-tuloy na academic ease, itulak!
Ayuda at tuloy-tuloy na sahod sa mga guro at kawani, ipaglaban!
Sign the petition: https://t.co/HE5kSBwJV9
#AcademicBreakNow#AcademicEase#LabanBulSUan#BulSULeftUsBehind
Mas lalong nagiging makatwiran ang magalit at lumaban. Kaya kabataan ng gitnang luson, magpa-organisa at sama-samang tayong kumilos para baguhin ang lipunan.
Palayain sina Ka Joseph, Ka Pol at Ka May!
#HandsoffCL#StoptheAttacks
Mariing kinukundena ng Kabataan Partylist BulSU ang serye ng atake sa Gitnang Luzon ngayong araw, kung saan iligal na inaresto sina Joseph Canlas, Pol Viuya at May Arcilla. Maging ang pagpapatuloy ng serye ng mga pag-atake sa mga aktibista sa buong bansa.
Para sa kasalukuyang sistema, tila iligal ang paglaban para sa karapatan ng mga manggagawa at magsasaka, ang igiit ang ating mga batayang karapatan. Mas tumitindi ang hamon para sa mga kabataan na lumaban para baguhin ang sistemang bulag ang hustisya.