Sa pagsasailalim sa probinsya ng Albay sa state of calamity dahil sa pag-aalburoto ng Bulkang Mayon, pinapaalalahanan ang ating mga kababayang Bikolano na sumunod lamang sa mga rekomendasyon at evacuation instructions ng inyong lokal na pamahalaan upang masiguro ang kaligtasan ng bawat isa.
Patuloy ang paglilikas sa mga pamilyang nakapaloob sa 6km permanent danger zone at pagdadala sa kanila sa mga evacuation centers. Nakaantabay na rin ang DSWD para sa mga sumusunod na tulong:
•Php 114M Quick Response Fund available at DSWD Central Office
•Php 5M Funds available at DSWD Field Office Region V
•179k Family Food Packs available in Disaster Response Centers
Dagdag pa sa mga preparasyong ito ay maaasahang patuloy ang koordinasyon at pagtutulungan ng bawat ahensya kagaya ng OCD, DA, DOH, DENR, PHIVOLCS, at iba pa.
Binabati natin ang Government Service Insurance System (GSIS) sa kanilang ika-86 na anibersaryo!
Kaagapay ninyo ang ating administrasyon sa pagtiyak sa seguridad at kaginhawaan ng ating mga lingkod-bayan, mula sa pagsulong sa digitalisasyon, pagbibigay ng pabahay at abot-kayang pagkain, hanggang sa pagsasaayos ng pension ng ating militar.
Pagpapadami ng bagong global partnerships at pamumuhunan ang inaasahan natin sa pagdaraos ng Forbes Asia Forum at Forbes Global CEO Conference sa bansa sa susunod na taon.
Nasasabik tayong makasama sa pulong na ito ang mga pangunahing negosyante, business leader at investor upang isulong ang mga prayoridad natin sa digitalisasyon, enerhiya, imprastraktura, at reporma sa pamahalaan.
Mas pinagiigting natin ang kakayahan ng ating mga MSME, magsasaka at mangingisda na gumamit ng mga digital payment app at pinadadami natin ang pang-ekonomiyang aktibidad sa pamamagitan ng Paleng-QR Ph Plus Initiative.
Tinalakay din natin kahapon kasama ang PSAC Digital Infrastructure Cluster ang kanilang mga rekomendasyon para sa patuloy na digitalisasyon sa bansa -- ang pagpasa ng National Cybersecurity Plan, pakikipagtulungan sa GoDigital Pilipinas at paggamit ng index rating system para sa internet connection sa ating mga lalawigan.
Hinihikayat natin ang lahat na i-download ang eGov Super App na isa sa ating mga hakbang tungo sa mas mabilis na pag-unlad, paghatid ng serbisyo-publiko at epektibong paglaban sa korupsyon.
Patuloy natin itong i-uupdate upang makapagbigay ng mas madaming serbisyo na tiyak na mapapakinabangan ng taumbayan.
Ngayon pa lamang ay nagpapasalamat na tayo sa USD 2.5 bilyon planong investment ng Charoen Pokphand Group para sa pagpapaganda ng ating agricultural production sa sektor ng pagkain, swine, poultry, at shrimp.
Ito ang ating tinalakay sa courtesy call kasama ang mga opisyal ng kumpanya na una nating nakasama sa Thailand noong Nobyembre. Inaasahan natin ang higit pang pagtutulungan pagdating sa teknolohiya, pagsusuri, at pamumuhunan.
Mura at maaasahang enerhiya para sa mga Pilipino ang ibubunga ng paglagda natin sa Malampaya SC No. 38 ngayong araw.
Sa "renewal of service" na ito, maipagpapatuloy ang responsableng paghahanap ng natural gas sa bansa para mabawasan ang importasyon ng langis at mapanatili ang ating suplay ng malinis na enerhiyang hindi nakasasama sa kapaligiran.
Ipinagmamalaki nating pangunahan ang groundbreaking ng St. Bernadette Children and Maternity Hospital at ng Pambansang Pabahay Para sa Pilipino (4PH) projects sa San Jose del Monte City, San Rafael, at Pulilan, Bulacan.
Ikinagalak nating makilala ang mga atleta at mang-aawit na nagpakita ng natatanging husay at galing ng Pinoy sa buong mundo.
Ang kanilang tagumpay ay tunay na inspirasyon at kayamanan ng ating bansa, kaya marapat lamang na sila'y ating patuloy na suportahan at kilalanin.
Karangalan ng administrasyong Marcos-Duterte na kayo’y paglingkuran sa abot ng aming makakaya kaya naman labis ang aming pasasalamat sa inyong patuloy na suporta. ��️💚
Unti-unti nang umiigi ang inflation rate sa bansa sa pagbaba nito sa 7.6% para sa buwan ng Marso mula sa 8.6% noong Pebrero.
Patuloy lamang ang mga inisyatibo ng pamahalaan para sa pagbangon ng ating ekonomiya at nang kalidad ng buhay ng bawat pamilyang Pilipino.
The Kadiwa ng Pangulo project of President Ferdinand R. Marcos Jr. has posted an estimated Php5.3 million in total sales since its launch this year, an official of the Department of Agriculture (DA) said on Saturday.
Read: https://t.co/CpqbE5YSAB
Ruffa Gutierrez has reportedly lost in the labor complaint filed by two of her former house help who claimed to have been fired by the actress without giving their salaries, according to P3PWD Party-List Rep. Rowena Guanzon.
READ: https://t.co/8mE69aHtyf
Masaya tayong nagbigay-pugay sa Philippine Air Force para sa kanilang sakripisyo upang panatilihin ang kapayapaan sa bansa.
Tuloy-tuloy ang suporta natin sa kanilang pagsasanay at modernisasyon para sa isang handa at maasahang Sandatahang Lakas.
BBM VLOG 240: Mr. President. . . What do you do everyday? ? ?
Sa batang sumulat sa atin kamakailan at nagtanong kung ano ang ating ginagawa sa araw-araw, andito na sa vlog ang kasagutang iyong hinihintay!
https://t.co/9lQgYWfTAQ