Maraming beses na akong ganito, nakakalito, nakakahilo, isang ikot nalang tila babagsak nalang. Hindi ako pagod, hindi rin ako balisa, nakakain ako ng tama.
Matatapos ang araw na pagod at hindi alam kung saan hahanap ng pahinga.
Nakakaubos, ngunit paano ko sasabihin na kaya ko pa.
Saan ba talaga ako magaling!!!
Tama si Emman โna baka pwedeng pabagalin ang ikot ng mundo.โ Ginagawa ko pa rin ang ikabubuti ng aking sarili. Matayog pa rin ang inaasam, maraming pa akong gustong patunayan, at marami pa akong bagyong kailangang harapin.
Ikinagagalak kong makita ang sarili ko na malayo na sa nakaraan. Darating ang Hulyo labing-pito. Akoโy nasa Idad Dalawangpuโt lima. Salamat sa Panginoon at salamat sa aking mga nakilala. ๐