Di ko sinasadya na aabot sa ganito ang mga bagay na tapos na. Habang buhay ko 'tong pagsisisihan. Mumultuhin ako ng mga bagay na ginawa ko at sinira ko.
Minsan natatakot akong matulog kasi baka pag mulat ko masamang balita na naman ang mababasa ko.
Aanhin mo ang kasiyahan at grasya kung kalungkutan na naman ang kapalit.
Nanaginip ako kagabi. Nasa loob ako ng kabaong. Tanging ilaw lang sa kisame ang nakikita ko. Di ko magalaw katawan ko o makasigaw man lang. Inaantay kong may sumilip sa kabaong ko pero walang sumilip hanggang sa tumulo luha ko at napapikit ko. Tapos nagising na ko.