Kasabay ng Buwanang Debosyon sa karangalan ng Mahal na Birhen ng Guadalupe, buong kagalakan tayong nagpapasalamat sa kanyang pagkakaloob ng isang mabuting pastol na buong pusong tinanggap ang hamong maging Acting Parish Priest ng ating parokya sa loob ng tatlong linggo.
Maraming Salamat Fr. Jimmy! Kasa-kasama mo ang aming mga panalangin na patuloy kang gabayan ng ating Mahal na Ina sa pagiging instrumento upang ipahayag ang mga aral ng kanyang Anak para sa minamahal niyang sambayanan.
PANALANGIN SA MAHAL NA BIRHEN NG GUADALUPE
O Katamis-tamisang Birhen ng Guadalupe,
pintakasi ng aming buhay,
pinasasalamatan ka namin sa mga biyayang
ipinagkaloob ng Diyos sa aming mga tahanan
sa tulong ng iyong panalangin.
HOLY THURSDAY SCHEDULE | April 14, 2022
Chrism Mass
Lauds 6:30am, Holy Mass 7:00am
Evening Mass of the Lord’s Supper 5:00pm
Confession 10:00am-4:00pm; 7:00pm-12:00am
𝐊𝐔𝐌𝐏𝐈𝐒𝐀𝐋𝐀𝐍𝐆 𝐁𝐀𝐘𝐀𝐍 | 𝐀𝐛𝐫𝐢𝐥 𝟏𝟑
Iniimbitahan ang lahat na makiisa sa Kumpisalang Bayan sa Dambana ng Mahal na Birhen ng Guadalupe, sa ganap na ika-5 ng Hapon.
Tiyakin na sumunod sa Health Protocols ng ating Simbahan at maayos na pagsusuot ng Face mask.
Para sa mga karagdagang impormasyon, patuloy na i-like, share, at follow ang official social media accounts ng ating parokya.
𝐁𝐔𝐖𝐀𝐍𝐀𝐍𝐆 𝐃𝐄𝐁𝐎𝐒𝐘𝐎𝐍 𝐒𝐀 𝐌𝐀𝐇𝐀𝐋 𝐍𝐀 𝐁𝐈𝐑𝐇𝐄𝐍 𝐍𝐆 𝐆𝐔𝐀𝐃𝐀𝐋𝐔𝐏𝐄
Sama-sama nating ipagdiwang muli ang debosyon sa Mahal na Ina ng Guadalupe sa kanyang Pambansang Dambana ngayong panahon ng Semana Santa.
Pangungunahan ni Reb. Pd. Genaro Diwa, Commissioner ng Archdiocesan Liturgical Commission, ang Devotional Noon Mass ngayong buwan. Ang mga gawaing ito ay mapapanood sa ating Facebook page at YouTube channel, at TV Maria Channels. Mapapakinggan din ito sa Radyo Veritas 846
𝐒𝐚𝐥𝐚𝐦𝐚𝐭, 𝐒𝐚𝐧𝐚, 𝐒𝐚𝐦𝐚-𝐬𝐚𝐦𝐚: 𝐏𝐚𝐠𝐧𝐢𝐧𝐢𝐥𝐚𝐲 𝐬𝐚 𝐦𝐠𝐚 𝐌𝐚𝐡𝐚𝐥 𝐧𝐚 𝐀𝐫𝐚𝐰
Ngayong Lunes Santo, inaanyayahan ang lahat para sa ating Lenten Recollection na gaganapin ngayong gabi, sa ganap na ika - 7:30 N.G. sa ating dambana.
Pamumunuan ito ni Reb Pd. Kevin Crisostomo, Kura Paroko ng St. Joseph Parish - Tambo, Parañaque. Sama - sama nating pagnilayan ang pagpapakasakit ng ating tagapagligtas na si Hesukristo sa pamamagitan ng isang makabuluhang pagbabahagi.
𝐇𝐎𝐒𝐒𝐀𝐍𝐀 ��𝐍𝐆 𝐀𝐌𝐈𝐍𝐆 𝐀𝐖𝐈𝐓 𝐒𝐀 𝐀𝐍𝐀𝐊 𝐍𝐈 𝐃𝐀𝐕𝐈𝐃!
Ang Linggo ng Palaspas ay tanda ng pagsisimula natin ng mga Mahal na Araw. Ang palaspas ay simbolo ng tagumpay bilang ating paggunita sa matagumpay na pagpasok ng ating Panginoong Hesukristo sa Jerusalem.