Atty. Michael Poa, buong yabang pang naglabas ng 1992 COA circular para sabihing bawal ilantad ang confidential-fund receipts. Isang sagot lang ni Atty. Lorna Kapunan: may 2015 Joint Circular na, Attorney. Na-update na ang rules; ikaw na lang ang hindi.
Kakapanood ko lang ng Ang Huling Milya, dokumentaryo tungkol sa mga batang kailangang tumawid ng siyam na ilog para lang makarating sa isang last-mile school. Habang buhay ang isinasapalaran nila para makapag-aral, bilyon-bilyon naman ang nilulunod sa korapsyon. Nakakagalit.
Galit kayo sa “bend the law” kapag kalaban, pero kapag Duterte ang maling gumamit ng confidential funds, biglang puwedeng baluktutin ang batas. Prinsipyo pala ninyo, nakadepende sa apelyido.
Kung ang pamantayan natin ay “at least hindi ninakaw,” napakababa na pala ng hinihingi natin sa gobyerno: huwag lang magnakaw, kahit mali-mali na ang lahat.
“Kaysa naman sa maleta” is not a legal defense. False dilemma iyan na kunwari dalawa lang ang pagpipilian: nakawin ang pera o gastusin kahit mali ang pondo. Sa gobyerno, may ikatlo at tamang sagot: gamitin ang pera sa eksaktong layuning inaprubahan, sa tamang line item,
Ang pera ng bayan ay hindi sinusukat sa kung may napakinabangan lang. Dapat legal ang purpose, tama ang pinanggalingang pondo, at napatunayang doon talaga ginastos.
Sabi ng mga DDS, okay lang daw gamitin ang confidential funds sa pagkain at gamot basta “may napakinabangan”; sa logic na ’yan, puwede nang gawing secret grocery wallet ang kaban ng bayan kahit maling pondo at kulang ang patunay. Mag-isip naman tayo! Mapapahamak ang bayan niyan!
pinapayagang confidential expenses, at ayon sa COA auditor, hindi kabilang doon ang ordinaryong medical at food assistance. Mabuti ang layunin, pero hindi nito ginagawang legal ang maling pinagkunan. Parang ipinambili mo ng grocery ang tuition, tapos sabi mo, “nakakain ang bata.”
Krizette, straw man at whataboutism ang argumento mo. Walang nagagalit dahil may gamot o pagkain. Ang isyu ay kung bakit iyon kinuha sa confidential funds, gayong purpose-specific ang pondong iyan. Sa Item 4.8 ng COA-DBM-DILG-GCG-DND Joint Circular No. 2015-01 nakalista ang…
Nakakabwisit ’tong ganitong kabobohan. Walang nakasulat sa Konstitusyon na kapag “confidential” ang public funds, hindi na puwedeng i-audit. Kabaligtaran: binibigyan ng Article IX-D ang COA ng kapangyarihan at tungkuling suriin ang lahat ng accounts na may kinalaman sa kita,
lehitimo ang operasyon, may legal na layunin at doon talaga ginastos ang pera. Ang “confidential” ay parang password-protected file: hindi bukas sa lahat, pero puwedeng buksan ng awtorisadong auditor.
Wala man lang sa mga DDS ang nagtatanong kung ano ang na-achieve ng ₱125 milyong confidential funds. Basta Sara ang gumastos, sapat na raw ang “trust me”—kahit ang accomplishment report, kapos sa accomplishment.