Ang Pilipino STAR Ngayon (PSN) ay isang tabloid na dyaryo sa Pilipinas na nalalathala sa wikang Filipino. Animo'y tagalog version ng The Philippine Star.
Hiniling ni Sen. Risa Hontiveros sa Department of Energy (DOE) na maglatag ng konkretong plano para maiwasan ang brownout sa Visayas at Mindanao, lalo na ngayong papalapit ang Kapaskuhan.
https://t.co/eQFop7H4bJ
Dumalo si Vice President Sara Duterte sa deliberasyon ng Senado para sa panukalang P785.24 milyong budget ng Office of the Vice President para sa 2027 nitong Huwebes, Nobyembre 26.
https://t.co/UQGJ4H2mN2
Iminungkahi ng Distilled Spirits Association of the Philippines representative na si Olivia Limpe-Aw ang pagbuwis sa kape sa halip na sa alak sa pagdinig ng House Committee on Ways and Means.
https://t.co/W9OWfrD5cy
Nagbalik-tanaw si tennis star Alex Eala sa kanyang mga unang karanasan sa tennis, kung saan nagsimula siyang maglaro kasama ang kanyang kapatid at lolo sa Pasig City. https://t.co/g3puej3HlP
#PhilstarFactCheck: Mali ang TikTok post na nagsasabing pinaghintay umano ni US President Donald Trump si Pangulong Bongbong Marcos sa red carpet ng 2026 ASEAN Summit.
https://t.co/uJhp9WK9cG
Nagtapos sa Top 5 ang pambato ng Pilipinas na si Bea Millan-Windorski sa Miss Universe 2026 matapos ang kanyang kampanya sa ika-75 edisyon ng international beauty pageant na ginanap sa Puerto Rico nitong Miyerkules, Nobyembre 25 sa Pilipinas.
https://t.co/Qi8sR5CkAW
Hindi naging madali para sa NU Pep Squad ang pagbuo at pagperpekto ng kanilang routine bago masungkit ang kampeonato sa UAAP Season 89 Cheerdance Competition.
https://t.co/O31IWyDm5b
Nagtataka si Pangulong Bongbong Marcos sa mga kilos-protesta laban sa Pax Silica, dahil wala pa umanong nilagdaang kasunduan at iginiit na wala ring itatayong data center sa lugar kung saan ilalagay ang AI development na ito.
https://t.co/E9OUBrdocq
Naging entrance music nina Pangulong Bongbong Marcos at First Lady Liza Araneta-Marcos ang klasikong awiting “Anak” ni Freddie Aguilar sa gala dinner ng APEC Summit sa Shenzhen, China.
https://t.co/PY9Znx31qp
#SaraOnTrial: Hiniling ni Sen. Erwin Tulfo na pagpaliwanagin si Atty. Paolo Panelo, tagapagsalita ni Vice President Sara Duterte, kaugnay ng mga pahayag nito na kumukuwestiyon sa kredibilidad ng mga senator-judge sa impeachment trial.
https://t.co/g12lgfT8KY
Nagkita sina dating first lady Imelda Marcos at US President Donald Trump sa Malacañang noong Miyerkules, Nobyembre 18, sa pagbisita ng lider ng Amerika sa Pilipinas para sa 49th ASEAN Summit. #ASEAN2026PH
https://t.co/INiJn8sBix
#SaraOnTrial: Kinuwestiyon nina Sen. Erwin Tulfo at Sen. Panfilo “Ping” Lacson ang kaugnayan ng archival video ni dating Sen. Miriam Defensor-Santiago sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.
https://t.co/H49z50Ed33
Nagbigay ng kani-kanilang pahayag sina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at US President Donald Trump sa special ASEAN-US summit dinner sa Maynila kasunod ng 49th ASEAN Summit.
https://t.co/VJkPxE6slT
Pormal nang sinara ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. ang 2026 ASEAN Summit at pinasa na ng Pilipinas sa Singapore ang pamumuno sa ASEAN nitong Martes, Nobyembre 17. #ASEAN2026PH
https://t.co/szC5NzSmTx
Nakatanggap ng nominasyon sa Grammy Awards ang P-pop groups na BINI at SB19 sa bagong kategoryang Best Asian Pop Music Performance.
https://t.co/y6JXuHahPE