Kahit sa masamang panahon, binisita ni VP INDAY SARA DUTERTE ang Balut Island, Sarangani, upang kamustahin ang ating mga kababayang naapektuhan ng Lindol. 👊Walang media coverage, ang mga taga-Sarangani mismo ang kanyang mga saksi.
ccto 🎥
"HUWAG NATIN LOKOHIN ANG TAO"
Ito ang buwelta ni Sen. Alan Peter Cayetano nitong Biyernes matapos sabihin ni Sen. Ping Lacson na nawaldas umano ang halos P700-M sa pondo ng bayan sa ilalim ng naging pamumuno ni Cayetano.
Bukod sa mali umano ang lohika at komputasyon ni Lacson ukol sa productivity, hindi rin umano nagalaw ang discretionary fund ng tanggapan ng Senate President.
Bisitahin ang https://t.co/3DVm1n0hHP para sa pinakabagong mga balita.
ABOGADO NI VP SARA, ‘KINAIN UMANO NANG BUHAY’ SI LUISTRO SA PRE-TRIAL
Umani ng atensyon ang pre-trial conference ng impeachment case laban kay Vice President Sara Duterte matapos ang ulat na umano’y naging dominante ang lead counsel ng bise presidente na si Atty. Sheila Sison sa closed-door proceedings.
Ayon sa Politiko, sinabi ng isang source nila na tila lamang na lamang ang depensa sa talakayan, kung saan si Batangas Rep. Gerville Luistro, ang lead prosecutor ng Kamara, ay nahirapan umanong makasabay sa mga argumento ng kampo ni Duterte.
“Kinain nang buhay ni Atty. Sison si Luistro sa pre-trial,” ayon sa source na sinipi ng Politiko.
Dahil dito, iniulat na mas naging aktibo si private prosecutor Atty. Lorna Kapunan sa mga diskusyon habang nagpapatuloy ang mainit na palitan ng magkabilang panig.
Lumabas din ang ulat na naging tensyonado ang ilang bahagi ng pagpupulong hanggang sa kailangan umanong mamagitan ni Senate Secretary Renato Bantug Jr. upang mapanatili ang kaayusan ng pag-uusap.
Matapos ang conference, pabirong tinukoy ni Kapunan ang naging init ng talakayan.
“Period ko ngayon, mainit ulo ko,” ani Kapunan.
Samantala, sinabi naman ni Lanao del Sur Rep. Zia Alonto Adiong na normal lamang ang maiinit na argumento sa isang pre-trial conference dahil dito pinag-uusapan kung alin sa mga usapin ang pagtatalunan at alin ang pagkakasunduan bago magsimula ang paglilitis.
A large fire at a hotel in the Dominican beach resort of Bayahibe has killed at least one person and forced nearly 1,700 tourists to evacuate, according to local authorities. https://t.co/rJp1MGMf0U
POLITICAL MANEUVERING
Binigyang-diin ni Atty. Regal Oliva na isang malinaw na estratehiya ngayon ng administrasyon ang pagbuo ng mga kaso laban sa mga mambabatas na hindi nila kaalyado upang tuluyan silang mapatalsik sa pwesto.
(1/2)
‘WALANG ISINUSULAT, KAHIT ANO’
Hindi napigilang maglabas ng hinaing ni Sen. Rodante Marcoleta sa media dahil hindi umano ipina-publish ang kaniyang mga sagot sa tuwing tinatanong siya.
“Sa totoo lang, ilang beses niyo na akong tinanong, nagpaliwanag ako nang mabuti, pero ‘pag binasa mo na sa mga dyaryo, wala,” aniya. I via Maeanne Los Baños-Oroceo
PUTIN, IPINAALALA KAY MARCOS JR. ANG EARPIECE?
Nag-viral sa social media ang isang sandali sa pagpupulong nina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at Russian President Vladimir Putin sa Kazan, Russia matapos mapansing wala pang suot na translation earpiece ang Pangulo bago magsimula ang bilateral meeting.
Sa kumalat na video, makikitang itinuro ni Putin ang earpiece, na tila paalala kay Marcos Jr. na isuot ito. Ilang sandali ring inayos ng Pangulo ang kagamitan bago tuluyang maisuot nang tama.
Dahil dito, umani ng iba’t ibang reaksiyon online ang naturang tagpo, kung saan napansin ng ilang netizens na tila nahirapan muna si Marcos Jr. sa pagsuot ng earpiece habang naghihintay ang mga delegado ng magkabilang panig.