Nakiisa ang Panday Sining Nova sa pagkilos bilang pag-alala sa mapanupil na Martial Law ng Diktador na si Marcos Sr.
Magpapatuloy pa ang nagkakaisang paglaban ng masa hanggang makamit ang hustisya sa lahat ng biktima ng pasistang estado.
#ML51#RejectMarcosDuterte#NeverAgain
Artista't Kabataan ng Novaliches, paglingkuran natin ang lipunan!
SUMALI SA PANDAY SINING NOVALICHES!
Ikinagagalak naming inaanunsyo ang pagpapanibagong-hubog ng Panday Sining Fairview at ang muling pagkasilang nito bilang Panday Sining Novaliches!
Dahil rito, mas lalawak ang maoorganisa at matutulungang komunidad ng ating balangay lalo na't humaharap ang bansa sa lumulubhang krisis sa ekonomiya. Gamitin ang sining para magmulat, manghikayat at magpakilos ng mga kabataang artista. Ipakita ang tunay na lagay na lipunan!
ISANG TAONG PURO KRISIS, PAHIRAP, AT KORUPSYON ANG INAMBAG SA PILIPINAS!
Kasama ang Panday Sining Fairview, nagtipon tipon ang ibat ibang sektor para sa isang taong paninilbihan ni Marcos Junior.
(1/2)
Ang #Pride2023 ay hindi lamang isang selebrasyon, ito ay isang protesta. Protesta laban sa diskriminasyon. Protesta laban sa karahasan. Protesta laban sa mapanupil na naghaharing-uri.
(2/2)
ICYM:
Noong ika-24 ng Hunyo, nakiisa ang Panday Sining Fairview sa matagumpay at makulay na #Pride2023 na ginanap Quezon City Circle.
Bilang pakikiisa, naglibot ang mga kabataang-artista upang alamin ang kanilang dahilan "Bakit ka nakikiisa sa PRIDE?"
(1/2)
TINGNAN: Naglunsad ng indignation protest ang Wyeth Philippines Progressive Workers Union, Kilusang Mayo Uno, mga pederasyon at organisasyon ng iba’t ibang sektor Lunes, Mayo 22 sa harap ng Wyeth Philippines Canlubang Plant.
Habang langit at lupa ang agwat ng mas tumataas na presyo ng mga bilihin at tuloy-tuloy na pagbaba ng sahod ng mga manggagawa, nananatiling lugmok ang kanilang kabuhayan.
Ang laban ng mga manggagawa para sa dagdag-sahod ay matagal nang ipinapanawagan, subalit nagtataingang-kawali ang gobyerno. Kaya ang sigaw ng uring manggagawa: IPAGLABAN ANG NAKABUBUHAY NA SAHOD! DAGDAG SAHOD, IBIGAY NGAYON NA!
#MayoUno2023#SahodItaas#PresyoIbaba
WORKERS OF THE WORLD, UNITE!
Nakiisa ang mga kabataang artista ng Panday Sining Fairview sa martsa patungong Mendiola, kasama ang malawak na hanay ng masang Anakpawis, bilang paggunita sa Pandaigdigang Araw ng mga Manggagawa.
#MayoUno2023#SahodItaas#PresyoIbaba
Ito ang unang pagkakataong gugunitain ang Mayo Uno, Araw ng mga Manggagawa, sa ilalim ng pamamahala ni Marcos Jr. Hindi ito ipinalagpas ng iba't ibang progresibong grupo at kolektibo nilang ipinamalas ang nag-aalab na lakas ng malawak na hanay ng masang Anakpawis.
#MayoUno2023
KABATAANG ARTISTA, SUMAMA SA MAYO UNO! SAMA-SAMA NATING IPAGLABAN ANG SAHOD, TRABAHO AT KARAPATAN!
Sa pandaigdigang araw ng paggawa, kasama ang malawak na hanay ng mga kabataang artista upang ibayong ipagtagumpay ang mga demokratikong kahilingan ng masang anakpawis!