Patuloy na sinusuportahan ng Quezon City Government ang mga QCpreneur sa pamamagitan ng Pangkabuhayang QC upang makatulong sa pagpapaunlad ng kanilang mga negosyo.
Pinangunahan nina Mayor Joy Belmonte at Mona Celine Marie Yap, SBCDPO Head, ang aktibidad na dinaluhan ng 755 benepisyaryo.
Sa kanyang mensahe, kinilala ni Mayor Joy Belmonte ang mahalagang papel ng mga maliliit na negosyante lalo na sa pag-unlad ng lungsod.
Bukas ang night market sa QC Hall tuwing:
- Weekdays ng November (Lunes hanggang Biyernes, 3PM hanggang 11PM)
- Weekdays at weekends ng December (Lunes hanggang Linggo, 3PM hanggang 11PM)
Bukod sa mga attraction, binuksan na rin ang Paskong QCarnival Night Market tampok ang mga masasarap na pagkain, inumin, at mga produktong gawa mismo ng mga QC entrepreneurs.
π₯ THE LINEUP JUST GOT EVEN MORE SOLID!
Akala nβyo hanggang doon na lang? Here comes the second batch of speakers for MAKI+Fiesta 3.0! π
From public historian, documentary and film directors to news anchor/reporter, university leaders, and professors, this lineup is bringing serious expertise, fresh perspectives, and conversations worth showing up for!
Expect big ideas, real talk, and insights that go beyond the headlines and the screen. π‘
π University of the Philippines Diliman
π November 19β20, 2026
Solid ang lineup. Bigger conversations. Mas maraming ideas to exchange!
See you at MAKI+Fiesta 3.0! π€π₯
π Register now:
https://t.co/7pfbwZ8Udo
π Know more:
https://t.co/boRYiHYM33
#MAKIFiesta3 #FreeExpression #CreativeEconomyPH
New food trip spot unlocked! π
Good food, budget-friendly meals, at relaxing lagoon view? ITβS A YES! Perfect for lunch breaks, quick cravings, or chill bonding with your fave people. Busog na, tipid pa, plus aesthetic pa ang view! β¨
Arat na, QCitizens! Kain tayo sa Lagoon Canteen!
#LagoonCanteen #QCFoodTrip #QuezonCity #LutongBahay #AffordableEats #SulitSaQC
Kilalanin ang mga natatanging barangay, organisasyon, at institusyong kinilala sa kanilang makabuluhang programa at proyektong nagsusulong ng pangangalaga sa kalikasan at kahandaan ng komunidad. ππ
Nagiging chubby na ba ang anak natin, at madalas puyat, palaging nakaupo, puro chichirya, softdrinks, at instant food ang kinakain? π₯€πππ
Naku, kapag chubby, hindi ibig sabihin ay healthy. Ang nakababahala, mas maaga pa itong pagmumulan ng sakit.
QCitizens, simulan natin ang healthy habits lalo na sa mga anak natin, para ang sakit ay maiwasan din! π½ππ₯πββοΈ
Panoorin ang Healthy QC: Childhood Obesity na ito.
Nagsagawa ng joint inspection ang Quezon City Veterinary Department (QCVD) at Business Permits and Licensing Department (BPLD) sa iba-ibang pet care services at pet shops sa lungsod.
Sinuri nila ang operasyon ng mga negosyo at matiyak ang pagsunod sa mga kinakailangang permit, veterinary clearance, at iba pang umiiral na regulasyon.
Ang inspeksyon ay hindi nangangahulugang may paglabag ang mga sinuring establisimyento.
Bahagi lamang ito ng patuloy na monitoring ng lokal na pamahalaan upang matiyak na sumusunod sa mga itinakdang pamantayan ang mga pet-related businesses, at mapangalagaan ang kalusugan at kapakanan ng mga alagang hayop.
May creative ideas ka? G na sa meaningful conversations? Weβve got a space for you!
Catch Ali Sangalang, Co-Founder and Creative Director of Linya-Linya, as he invites you to join the fun, ideas, and conversations at MAKI+Fiesta 3.0!
Get ready for two days of fresh perspectives, creative exchanges, and meaningful conversations about free expression, creativity, democracy, and the ever-changing media landscape. π‘
So, ano pang hinihintay ninyo? Bring your curiosity, share your ideas, and be part of the conversation!
π University of the Philippines Diliman
π November 19β20, 2026
π Register now:
https://t.co/7pfbwZ8Udo
π Know more about the festival:
https://t.co/boRYiHYM33
See you there! π
#MAKIFiesta3 #FreeExpression #CreativeEconomyPH
Q City Bus Service Advisory
Tuloy ang operasyon ng Q City Bus sa mga idineklarang special non-working days kaugnay ng pagdaraos ng ASEAN Summit 2026 upang matiyak ang tuloy-tuloy at maayos na transportasyon para sa mga QCitizen.
Narito ang schedule ng biyahe ng walong Q City Bus routes sa November 16, 17, at 18, 2026:
- Route 1: QC Hall β Cubao | 8:00 AMβ8:00 PM (1 hour interval)
- Route 2: QC Hall β Litex/IBP Road | 8:00 AMβ8:00 PM (1 hour interval)
- Route 3: Welcome Rotonda β Aurora Katipunan | 8:00 AMβ8:00 PM (1 hour interval)
- Route 4: QC Hall β Gen. Luis | 8:00 AMβ8:00 PM (1 hour interval)
- Route 5: QC Hall β Mindanao Ave. via Visayas Ave. | 8:00 AMβ8:00 PM (1 hour interval)
- Route 6: QC Hall β Gilmore | 8:00 AMβ8:00 PM (1 hour interval)
- Route 7: QC Hall β C5/Ortigas Ave. Extension | 8:00 AMβ8:00 PM (1 hour interval)
- Route 8: QC Hall β MuΓ±oz | 7:00 AMβ8:00 PM (1 hour interval)
Maraming salamat po.
QCitizens, may napansin ba kayong panindang sobrang mahal ang presyo sa inyong pampublikong palengke?
I-report na sa QC iReport para masuri ng kinauukulan.
π² I-scan ang QR code o pumunta sa https://t.co/GKigLGgO3B at piliin ang βFile a Report.β
Naaresto ang dalawang suspek sa pagnanakaw ng electric wires mula sa mga bagong streetlights na bahagi ng katatapos lamang na QC ReVibe Project sa Quezon Avenue, malapit sa Agham Road.
Nahuli kaninang 12:20 AM ang mga suspek sa tulong ng Quezon City Police District (QCPD) Station 15, . Narekober sa kanila ang mahigit 35 metro ng mga kable na ninakaw mula sa lugar.
Patuloy ang Lungsod sa pagpapabuti ng mga sidewalk at pampublikong espasyo para sa mga QCitizen. Pinakikiusapan ang lahat na makiisa sa pangangalaga ng mga pasilidad na ito at maging mapagmatyag upang maiwasan ang pagnanakaw at matiyak na mananatiling maliwanag at gumagana ang ating mga streetlight.
Hinihikayat ang publiko na i-report sa Helpline 122 ang anumang kahina-hinalang aktibidad.
Q City Bus Advisory
Pansamantalang ililipat ang pick-up at drop-off point ng Q City Bus Route 4: QC Hall to Gen. Luis. Itatalaga ito sa loob ng Gate 2 Parking Area ng Quezon City Hall compound simula November 12, 2026, Huwebes. Tatagal ito hanggang December 31, 2026.
Hindi naman maaapektuhan ang pick-up at drop-off point ng ibang ruta ng Q City Bus.
Maraming salamat po sa inyong pag-unawa.