@PTVph Sakaling hindi pabor sa programa ang magiging desisyon ng Board ng MTRCB sa inihaing Motion for Reconsideration ay maaring iapela ito sa Office of the President sa loob ng 15 araw matapos matanggap ang desisyon. | @PTVph
JUST IN: Pinasususpinde ng MTRCB ang airing ng programang It's Showtime ng 12 araw.
Ayon sa MTRCB, marami na silang natanggap na reklamo sa naturang programa bago pa ang July 25 episode nito na nagpakita umano ng indecent act sa isa sa mga segments nito. | @PTVph
NEWS UPDATE: Makakatanggap ng tulong mula sa DSWD ang mga apektadong rice retailers kasunod ng ipinatupad na price cap sa bigas ayon kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. bago ito tumulak papuntang Indonesia para sa isasagawang 43rd ASEAN Summit and Related Summits. | @PTVph
TINGNAN: Nilibot nina Sen. Alan Peter Cayetano, Senate Committee on Science and Technology Chairperson, DOST Sec. Renato Solidum Jr., DILG Sec. Benhur Abalos at Pasay City Mayor Emi Calixto-Rubiano ang exhibit...
sa "HANDA Pilipinas: Innovations for Disaster Risk Reduction and Management 2023 (Luzon Leg)” kung saan tampok ang mga inobasyon at teknolohiya na makakatulong para sa disaster prevention and mitigation...
TINGNAN: Tampok ang ibat-ibang kagamitan na malaki ang maitutulong kapag may kalamidad sa "HANDA Pilipinas: Innovations for Disaster Risk Reduction and Management 2023 (Luzon Leg)” sa World Trade Center sa Pasay City. | @PTVph
Makikita sa exhibit ang mga teknolohiya at inobasyon na makakatulong sa mga lungsod pagdating disaster prevention and mitigation, disaster preparedness, disaster response at disaster recovery and rehabilitation. | @PTVph
Sa isinagawang assessment ng Calatagan MDRRMO, ito ay bahagi lang ng palitada at ligtas pa rin magamit.
Ngayong araw, balik na rin ang klase sa buong bayan matapos ang suspensyon kahapon dahil sa tumamang lindol. | @PTVph
TINGNAN: Nagtamo ng minor damages ang ilang paaralan sa Calatagan, Batangas matapos tumama ang magnitude 6.3 na lindol.
Kabilang ang Lucsuhin National High School na nagtamo ng mga cracks. | @PTVph
TINGNAN: Maagang dumating sa kanilang testing center ang ilan sa examinees para sa muling pagbabalik ng UPCAT matapos ang tatlong taong pagkakatigil nito.
May dalawang shift ang entrance exam ngayong dito sa University of the Philippines Diliman ngayong Sabado at Linggo. |@PTVph
TINGNAN: Marami pa rin na mga pasahero ang humahabol na makauwi sa kani-kanilang mga probinsya sa PITX ngayong Maundy Thursday.
Ayon sa PITX, as of 12 pm ngayong araw, aabot na sa 55,096 ang naitalang dami ng mga pasahero sa termimal. | @PTVph
TINGNAN: Tuloy-tuloy ang biyahe ng mga pauwi sa kani-kanilang mga probinsya dito sa PITX ngayong Holy Wednesday.
Ayon sa PITX may mga biyahe pa rin bukas, Maundy Thursday habang karamihan sa mga provincial buses ay wala ng biyahe sa Good Friday. | @PTVph
TINGNAN: Nilinaw ni Ruben Enaje, na kilala sa pagganap bilang Kristo at pagpapako sa krus sa Barangay San Pedro, San Fernando, Pampanga, na hindi pa ngayong taon ang huling beses na magpapako siya sa krus. | @PTVph
Paliwanag niya, hanggang kaya ng kanyang katawan ay ipagpapatuloy niya ang kanyang panata na nagsimula noon pang 1986.
Dalawang linggo bago ang Biyernes Santo, patuloy ang paghahanda ni Enaje, kabilang na ang krus at ang pakong gagamitin sa kanya. | @PTVph