Sa House Bill No. 8389 o “Anti-Political Dynasty Bill,” hinahati ang gobyerno sa apat na antas: Nasyonal, Kongreso, Probinsya, at Lungsod o Munisipyo.
Bawal ang sabay-sabay na pag-upo ng magkakamag-anak sa iisang antas ng gobyerno. Pero maaari pa rin silang umupo sa magkakaibang antas.
Sa isang pamilya, pwedeng mamuno nang sabay-sabay ang Presidente, Kongresista, Governor, at Mayor.
Hindi ito Anti-Dynasty Bill.
Pro-Dynasty ito.