Nakikiisa ang Social Watch Philippines sa pagdiriwang ng ika-128 Anibersaryo ng Kalayaan ng Pilipinas. Sa araw na ito, patuloy nating isinusulong ang kalayaan mula sa korapsyon, kalayaan para sa makatao at tamang budget, at kalayaan para sa bawat Pilipino.
#IndependenceDay
Magparehistro po tayo. Iboto natin ang karapat-dapat na taong hahawak ng pondo ng bayan. Magparehistro para mailuklok sa pwesto ang tamang tao na magpapasya kung may pondo ba sa health, edukasyon, trabaho, at iba pa. #BudgetWatch2027
𝐀 𝐇𝐈𝐒𝐓𝐎𝐑𝐈𝐂 𝐃𝐀𝐘 𝐅𝐎𝐑 𝐂𝐒𝐎𝐬! 📷
Dumalo si Social Watch Senior Budget Specialist Alce Quitalig, bilang CSO observer, sa Technical Budget Hearings na binuksan para sa civil society partners kahapon. Pinag-usapan ang budget ng DOJ. #BudgetWatch2027
The Social Watch Philippines (SWP) issued a statement lauding the Department of Budget and Management (DBM) for allowing observers to the technical budget hearings of the Cabinet departments.
https://t.co/K6e8et6M1w
Hard mode ang reyalidad ng karamihan sa mga manggagawa sa Pilipinas. Overworked. Underpaid. Kulang sa benepisyo.
Ang #laborday po ay paalala na humingi ng accountability para magamit sa tama ang buwis na binabayad ng ating mga manggagawa.
Sa gitna ng mga digmaan, sakuna, at krisis na kinahaharap ng buong mundo, nawa’y magsilbing paalala ang #SemanaSanta ng sakripisyo at pagmamahal na nag-uugnay sa atin.
Isang mapagnilay at makabuluhang #holyweek po sa ating lahat.
𝐁𝐀𝐍 𝐕𝐀𝐏𝐄𝐒! 𝐏𝐑𝐎𝐓𝐄𝐂𝐓 𝐎𝐔𝐑 𝐂𝐇𝐈𝐋𝐃𝐑𝐄𝐍 𝐀𝐍𝐃 𝐘𝐎𝐔𝐓𝐇!
Suportahan natin si DOH Sec. Herbosa sa panawagang ito. Ang vape ay mapanganib sa kalusugan, lalo na sa mga bata. Unahin natin ang kalusugan ng publiko kaysa sa kita ng industriya ng yosi at vapes.
Sa Pilipinas, may mandato ang bawat ahensya ng gobyerno, kabilang ang mga lokal na pamahalaan, na maglaan ng hindi bababa sa 5% ng kanilang kabuuang budget para sa mga programa at aktibidad na nagtataguyod ng gender and development.
Happy #WomensDay!