“NGAYON LANG SA BUONG KASAYSAYAN”
Ibinahagi ni political strategist Lito Banayo ang kanyang pananaw kaugnay ng nagpapatuloy na impeachment proceedings laban kay Vice President Sara Duterte, kung saan iginiit niyang ngayon lamang umano sa kasaysayan ng bansa nangyari na ang mismong Pangulo at mga kaalyado nito ang nagsusulong ng impeachment laban sa sariling Bise Presidente.
Sa isang panayam, sinabi ni Banayo:
“Ngayon lang sa buong kasaysayan natin mula nung martial law, na ang Pangulo at ang kanyang mga kaalyado sa pulitika ay ini-impeach ang Vice President.”
Binigyang-diin din ni Banayo ang naging papel ni Vice President Sara Duterte sa pagkapanalo ni Marcos Jr. noong 2022 elections.
“Lalo na at ang Vice President na ito, aminin natin, ang siyang nagpapanalo sa pangulo na kasalukuyan.”
Dagdag pa niya, kung hindi umano naging running mate noon ni Marcos si dating Davao City Mayor Sara Duterte, posibleng iba ang naging resulta ng halalan.
“Kung hindi sumama si Vice President Sara, si then Mayor Inday Sara kay Bongbong as his vice presidential candidate… eh imposibleng manalo si BBM bilang Pangulo.”
Ayon pa kay Banayo, taliwas umano ito sa mga nakaraang political alliances sa bansa dahil ngayon lamang aniya na ang administrasyon mismo ang nagsusulong ng impeachment laban sa nagpapanalo sa kanya.
“Pero despite that, ngayon lang sa buong kasaysayan natin na ang mismong panguluhan ang siyang nagsusulong ng impeachment para ma-disqualify sa susunod na eleksyon ang kanyang Vice President na pinagkakautangan niya ng loob.”
SUPORTA KAY DUTERTE
Pinabulaanan ng isang Japanese human rights advocate na peke o A.I. generated ang kaniyang talumpati sa United Nations para suportahan si dating Pangulong Rodrigo Duterte.
(1/2)
HINDI PINAALAM NA AKSIDENTE?
Naaksidente umano si dating pangulong Rodrigo Duterte habang nasa kanyang selda sa International Criminal Court (ICC).
Ayon sa legal counsel ni Duterte na si Atty. Nicholas Kaufman, “fatigued” at “physically incapacitated” ang dating presidente.
“None of this was reported either to the Defence team or to the family in real time,” dagdag pa niya.
Aniya, alam ito ng Marcos administration dahil dahil sa pagbisita ng consular representatives sa International Criminal Court (ICC).
ICC JUDGE IN DUTERTE CASE SANCTIONED BY U.S.
Pinatawan ng sanction ng administrasyon ni U.S. Pres. Donald Trump ang International Criminal Court (ICC) judge na si Reine Alapini-Gansou ng Benin at iba pang opisyal.
Nag-ugat ang sanction sa pag-iisyu ng arrest warrant ng international tribunal para kay Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu, at sa pagbubukas ng kaso ukol sa umano'y war crimes ng U.S. troops sa Afghanistan.
Si Alapini-Gansou ang isa sa mga judge na humahawak sa crimes against humanity case ni dating pangulong Rodrigo Duterte.
RELATED STORY: https://t.co/30wmtP743S