na ipinatatahak sa atin ng mga politikong pinagtiwalaan nating siyang mamuno sa ating bayan.
Ituloy natin ang mga naiwang gawain ng NTC. Kung mamarapatin ng ating mga kababayan, pamumunuan ko na muna ang national reorganization committee ng NTC.
Salamat.
NATIONAL SENTIMENT LABAN SA CORRUPTION, BUO NA!
Kasunod ng kilos protesta ng ibaβt ibang grupo nitong nakaraang araw, naniniwala ang dating Defense Secretary na buo na ang National Sentiment laban sa korapsyon sa gobyerno.
Watch the interview here: https://t.co/AMT2QelnIW
May sapat na kayang tapang ngayon ang ating lipunan upang isulong ang isang rebolusyonaryong pananaw?
-NORBERTO B. GONZALES
Former Secretary of National Defense and National Security Adviser
πΉπ
#TeamNorbertoGonzales#Pilipinas
Ang balak noon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na gawing revolutionary government ang kanyang pamamahala ay maihahambing sa kasalukuyang panukala na magkaroon muna ng isang transition government upang maituwid ang maling uri ng pamumulitika sa ating bansa.
Hindi natuloy ang "revgov" ni Pangulong Duterte dahil ito ay pinagdudahang napasok ng mga maka-kumunistang elemento. Ang transition government naman ay napapanahon, subalit hindi pa lantaran o aktibong pinag-uusapan.
Itutuloy natin ang isang tunay na eleksyon sa Mayo, 2028 at malugod na ililipat ng transition government ang kapangyarihan ng gobyerno sa mga magwawagi.
Tulungan sana tayo ng Panginoon.
-Sec. Norberto B. Gonzales
Former National Defence Secretary and National Security Adviser
Sa Mayo 2028 pa ang susunod na eleksyon. Maganda sana kung makagawa ang Armed Forces nang paraan para ang kasalukuyang pamahalaan ay magbitiw na. Pwede nang ipagtiwala muna sa isang transition government ang pagpapatakbo ng gobyerno.
Isa sa seryosong gagawin ng transition government, ay ang pagbuwag sa COMELEC at pagbuo nang isang panibagong electoral system na walang halong pandaraya at pagsasamantala sa kahinaan ng ating mamamayan na panindigan ang kanilang karapatang pumili ng mga tunay na lider publiko.
Kung mangyari ito baka naman mabago na ang takbo ng ating kinabukasan. Kung sakali, magkakaroon na tayo nang mga tamang politiko na talagang pamumunuan ang pag-unlad nating lahat.
At bakit hindi nasunod ang tradisyunal na proseso sa pagpili ng pinuno ng PNP?
Anong uri ng kademonyohan ang ating kinakaharap?
-Sec. NORBERTO GONZALES
πΉπ
#TeamNorbertoGonzales#Pilipinas
Machiavellian na ba?
Isang dating mataas na opisyal mula sa national security sector ang bumanggit kay Machiavelli at sa aral nito: mas mainam na katakutan kaysa mahalin upang maging epektibong pinuno.
Ngunit ang pagsiil sa kalayaan at pananakot sa lipunan ay hindi magiging ganap kung walang magpapatupad o susunod sa mga utos. Susunod kaya ang ating kapulisan at Armed Forces sa mga iligal na kautusan?