'Yung feeling na takot na takot kang ma-attach ulit kasi ranas mo nang sa umpisa lang palagi masaya, may excitement, then later on iiwanan ka na naman at wala kang ibang choice kundi buuin 'yung winasak nilang ikaw na akala mo noon iingatan.
'Pag sinabing hanggang dito na lang... hanggang dito na lang. 'Wag mo nang ipagpilitan, 'wag mo nang ipagsiksikan ang sarili mo sa taong ayaw nang manatili sa buhay mo.
Kapag naramdaman ninyong hindi niyo na kayang panindigan pa ang isang tao, please be brave enough to tell them the truth. Kaysa paniwalain sila sa mga salitang hindi niyo na kayang tuparin pa.
Hindi masamang piliin at unahin ang sarili. Hindi 'yun selfish. It's about knowing your self-worth and true value dahil hindi mo hahayaan na abusuhin ka ng ibang tao.
Kapag alam mong hindi na kayang ilaban, kapag alam mong ginawa mo na ang lahat pero hindi ka pa rin pinanindigan, maybe it's time for you to give up that person and move forward even without him/her in your life anymore.
Kung hindi ka nila kayang ipanalo, ikaw na lang ang magpanalo ng sarili mo. Piliin mo palagi ang sarili mo. Kasi sa totoo lang, kaya mo naman eh kahit walang ibang taong gagawa no'n para sa'yo.