Dear @BongSuntay, you have two daughters. I only wish that they will never hear someone say to them what you said to Anne Curtis during the justice committee hearing on the VP Impeachment. I hope they never experience that.
Sa aming pag-aaudit
aming napagtanto:
Ang nakakatakot na kalaban ng katiwalian
Hindi yung sa dilim ay nalulukuban
Sila yung sumasakay sa kasikatan
Taas noong nagpapanggap na kalaban ng katiwalian,
Gayung sila man, kay daming pananagutan!
Wag ako, Manang!
Buking kita, nuon pa!
#makatangmakwenta
Nagnakaw at na-convict na noon, pero ibinoto niyo pa rin kaya ayan, dawit na naman sa korapsyon.
Binigyan niyo pa kasi ng pagkakataong makagawa ng katiwalian eh.
Tama si Sen. Kiko, huwag na kayong boboto pa ng mga magnanakaw.
Ang laking katatawanan sa America nung Astronomer CEO sa panloloko sa asawa nya. Samantalang dito, may trese na babae na si Duterte, pero dinodyos pa rin ng mga animal.
Dapat talaga magkaron na ng Divorce Law ang Pilipinas.
10 PANUKALANG BATAS PARA SA EDUKASYON, KABATAAN, AT PAMILYANG PILIPINO 🇵🇭
Sa pagbabalik natin sa Senado, ito ang una nating hakbang:
mga panukalang batas na tutok sa kinabukasan ng ating mga estudyante, guro, at bawat pamilyang Pilipino.
Simula pa lang ito — may mga isusunod pa tayong panukalang batas para sa mas inklusibo at makataong edukasyon, upang makamit ng bawat estudyanteng Pilipino ang de-kalidad na edukasyong nararapat sa kanila. 📚
Para sa kabataan. Para sa pamilya. Para sa bayan. 🇵🇭
***
1. Classroom-Building Acceleration Program (CAP) Act. Bibigyan ng kapangyarihan ang LGUs at pribadong sektor na pabilisin ang pagpapatayo ng mga silid-aralan.
2. E-Textbook Para sa Lahat Act. Lahat ng textbook na aprubado ng DepEd ay magiging libre at available sa digital format.
3. Libreng RLE Act. Ipinagbabawal ang paniningil ng RLE fees sa SUCs at LUCs.
4. Bayanihan Work Program Act. Magbibigay ng marangal at makabuluhang trabaho para sa bawat Pilipinong handang magtrabaho—imbes na umasa sa ayuda.
5. School-to-Employment Program (STEP) Act. Magkakaroon ng Job Placement Office sa lahat ng pampublikong SHS, SUCs, at LUCs.
6. Student Discount Para sa Load Act. 20% diskwento sa load, text, tawag, at internet para sa lahat ng estudyanteng naka-enroll mula elementarya hanggang kolehiyo.
7. Angat Sweldo Para sa Guro Act. Dagdag na ₱10,000 buwanang sahod para sa mga guro at kwalipikadong non-teaching staff.
8. Private Education Voucher Expansion (PEVE) Act. Palalawakin at paiigtingin ang suporta ng gobyerno sa pribadong basic education.
9. Adopt-A-School Act of 2025. Hihikayatin ang pribadong sektor na tumulong sa mga programa para sa edukasyon sa mas simple’t mabilis na paraan—kasama ang mas malinaw at pinalakas na tax incentives.
10. Amendments to RA 10931. Aamyendahan ang Free College Law para matiyak na ang mga 4Ps SHS graduates ay mabibigyan ng Tertiary Education Subsidy (TES).