"Don't be afraid to show the real you. You don't have to pretend to be someone you are not just to make people accept you. Self love and acceptance must start with you."
Wala namang nagbago,
maingay pa rin naman
ang bahay na 'yong binuo.
Karibok,
maingay at parang palaging
nasa palengke.
Ganun pa rin naman,
subalit mas nakabibingi
pala ang katahimikan
kapag wala na...
ang haligi ng tahanan.
—TypoWrites
Napadaan ako
sa noo'y pinakapaborito kong lugar. Nakita ko sila,
tila tinatawag ako
subalit,
mas kailangan kong kumayod.
Nakita ko,
sa ibabaw ng mesa
nakapatong ang panulat
sa bakante
subalit ginagabok na papel
—TypoWrites
Safe pa rin naman ang mundo,
ang tumambay sa labas
ang gabihin sa lansangan
ang mag-isang maglakad.
Safe pa rin naman
kung wala ka sa Pilipinas!
—Typowrites
Tanaw ko ang pag-asa
sa kamay ng liwanag,
sa lawak ng mundo
at sa kaniyang rilag.
Malayo pa
subalit malayo na,
hadlang man ang pagsubok
alam kong hindi nag-iisa.
Maalon man ang karagatan,
sa kalagitnaan,
sa dulo, sa pangpang
ay banayad kong makakamtan
ang tagumpay.
—TW