Hilig ko ang malunod sa tahimik, gusto ko ang pakiramdam na sa sobrang payapa ay nahihirapan na 'kong huminga.
"Mabuti wala akong hasang"
Pen on paper
8" x 8"
2023
At pag di na kinaya ng balikat ang bigat, tuhod ko muna ang dadampi sa lupa.
nang mabuhat ko ang sanlibong paniniwala, na ang bukas ay muling sisikat.
makikilala kong muli ang sariling itsura; baka bukas— o paglipas ng taong di masusukat.
- baka bukas, 082823