ㅤ⠀
ㅤ⠀
JUST IN: Apat na Residente, nasangkot sa gulong naganap sa Waling-Waling Office.
Ngayong gabi, araw ng Linggo, ay sumailalim ang Waling-Waling Office ng Maria Clara Street sa mga nakakabahalang pangyayari.
ㅤ⠀
ㅤ⠀
Maluha-luhang tinitigan ni Harvey ang dalaga nasa harap niya, hinahayaan lang na mahiwa lalo ang kanyang mga daliri. Unti-unti rin siyang nagpakita ng madugong ngiti dahil ano pa nga ba ang kanyang magagawa? Mukhang ito na talaga ang katapusan ng lahat.
ㅤ⠀
@KALYEMCLARA ㅤ⠀
Naging magulo ang kanyang isipan mula nang nakatikim siya ng turon na may lintik na prutas na ‘yon. Dahil sa katas ng bunga nitong kakaiba– o pamilyar na halaman, bumalik ang mga alaalang hindi dapat niya natatandaan.
ㅤ⠀
ㅤ⠀
ㅤ⠀
Magandang Gabi,
Kami po ay malungkot na ibinabalita na pumanaw na ang aming mahal na presidente, si Madam Ina.
Sa kanyang pamumuno, ang bawat hakbang ay naging gabay, ang bawat desisyon ay nagsilbing liwanag sa madilim na landas.
ㅤ⠀
Magandang Hapon sa lahat!
Tayo po ay magkikita-kita sa Basket Basketball Court sa ganap na Ika-7 ng gabi para sa unang araw ng Waling-Waling Week: 70 Years with Waling-Waling 🪻
Nagmamahal,
Waling-Waling Committee 🪴