ESCOLARIANS, UNITE! π¦
Join to the ever-growing youth movement in the Philippines! Be one with the toiling masses and the people who are abandoned and neglected by the state!
Join Anakbayan Mendiola!
August 18 | Mass Orientation via Discord
SIGN-UP: https://t.co/MGB924lRsN
HUSTISYA SA MGA PINATAY NA PANGARAP NG KABATAAN SA ILALIM NG REHIMENG MARCOS JR.!
Tumungo ang mga kabataan mula CHED patungong Commonwealth para ipresenta ang danas at krisis ng kabataang Pilipino sa edukasyon at karapatan.
#PeoplesSONA#SONA2023
ARAW NATIN 'TO!
Sa People's SONA, sama-samang kumilos at tumungo sa lansangan upang irehistro ang tunay na kalagayan ng kabataan at mamamayan sa ilalim ng unang taon ng rehimeng Marcos Jr. sa pwesto.
8AM - Youth Assembly at CHED
#MarcosItakwil#SONA2023
Sinalubong ng protesta ng sambayanan ang isang taon ni Marcos Jr. sa pwesto, bitbit ang panawagan para sa mga batayang karapatan at kahilingan. Sa pagkakaluklok ng ilehitimong rehimen, para kanino ang mga patakaran na ipinatupad at niraratsada?
#MahalSaPilipinas#MarcosYear1
Kaisa ang Anakbayan Mendiola sa laban ng kapwa namin mag-aaral para sa isang aksesable, de kalidad, at demokratikong edukasyon! Iturol ang galit sa CHED at kay Marcos Jr. na pabaya sa sektor ng edukasyon, bagkus ipinapanguna ang pagpopondo sa pasismong nandarahas sa mga kabataan!
EDUCATION NOT FOR SALE! WE ARE NOT FOR SALE!
Kinalampag ng mga kabataang estudyante mula iba't ibang paaralan ang CHED para irehistro ang pagtutol sa pagtataas ng matrikula ng mga pribadong unibersidad at sa naka-ambang tuition fee hike sa mga pampublikong pamantasan.
#NoToTOFI
STOP IMPERIALIST WAR AGGRESSION!
Sa pananatili ng imperyalistang kontrol, magpapatuloy ang paglaban sa mga 'di pantay na tratado gaya ng Mutual Defense Treaty at Regional Comprehensive Economic Program na naglalagay sa Pilipinas sa disbentahe ng isang nakasasariling bansa!
ATIN ANG PINAS, US-CHINA LAYAS!
Sa ika-125 paggunita sa Araw ng Kalayaan, ipinaabot sa malawak na hanay ng masang Pilipino ang huwad na pagtasama sa ating kalayaan sa patuloy na pananatili ng dayuhang kontrol sa bansa. Makibaka para sa pambansang demokrasya!
#AtinAngPinas
Nakikiisa ang Anakbayan Mendiola sa laban at panawagan ng mga manggagawa ng Wyeth-Nestlè upang ibalik sa trabaho ang 140 kasamahan sa pagawaan at tutulan ang ganid na pagkakamal ng tubo ng Wyeth-Nestlè!
#TrabahoHindiTanggalan#StopNestleCorporateGreed
COST-CUTTING, RESTRUCTURING! PAHIRAP, PASAKIT, KONTRA-MANGGAWA!
Ikinasa sa tapat ng Wyeth-Nestlè Cabuyao, Laguna ang isang protesta laban sa iligal na pagtatanggal sa trabaho ng 140 manggagawa sa pangunguna ng Wyeth Philippines Progressive Workers Union.
#TrabahoHindiTanggalan
Sa ilang dekada ng pagtatrabaho sa pabrika, lumikha ang mga manggagawang tinanggal ng de-kalidad na mga produkto gaya ng gatas. Sa tabing ng cutting costs and increased production, sangkalan ang kabuhayan ng mga manggagawa kapalit ng milyones na makinang ipapalit sa produksyon.
Popoy, shoutout naman diyan! π£οΈπ£οΈπ£οΈ
Kaninang umaga, nagpunta ang mga lider-estudyante sa CHED upang irehistro ang kanilang pagtutol sa nakaambang pagtataas ng matrikula.
Kung walang imik si Popoy at si Marcos, tayo na ang mangalampag! Sumama sa pagkilos sa 28 Abril! β
Nagkasa ng iglap-protesta ang mga kabataan sa nalalapit na Day of the Landless, bitbit ang panawagan laban sa kontrol ng mga korporasyon sa agrikultura sa bansa. Buhat nito ang paghina ng lokal na produksyon at pagpapalayas sa mga katutubo sa lupang ninuno.
#LandToTheTillers
Malinaw na ang dagdag bayarin at pahirap na Mandatory ROTC ay turol sa rehimeng Marcos na pangunahing nagtutulak nito sa pambasa na mismong yuyurak sa aming pang-akademikong kalayaan, at pagpopondo sa pasismo kaysa ilaan ito para sa aksesableng edukasyon.
#NoToMandatoryROTC
Sa araw ng pambansang pagkilos laban sa Mandatory ROTC, nakiisa ang Escolarian community upang irehistro ang pagtutol sa National Citizens Service Training na katumbas ay panunupil sa aming mga demokratikong espasyo at pagmimilitarisa sa aming pamantasan.
#NoToMandatoryROTC
Pagkaraan ng higit dalawang dekada, hindi pa rin nakakamit ang hustisya sa pagpaslang kay Chua matapos niyang isiwalat ang anomalya ng ROTC sa UST. Patuloy ang panawagan sa #NoToMandatoryROTC sa balat-kayong NCSTP na magpapalaganap ng kultura ng impunidad sa aming mga pamantasan!
Nagkasa ng candle lighting protest ang mga kabataan mula Ubelt sa tapat ng UST upang alalahanin ang ika-22 anibersaryo ng pagkamatay ng student cadet na si Mark Welson Chua.
HUSTISYA PARA KAY MARK WELSON CHUA!
#NoToMandatoryROTC#NoToCampusMilitarization
SALAMAT SA SUPORTA! π
Sa tulong ng mga volunteer at inyong donations, nakapamahagi ng relief packs sa 66 tsuper mula NRJODA. Salamat sa mamamayang nagkakaisa para maitawid ang strike, sa pangkain at suporta sa Morayta drivers at kanilang pamilya β€
#NoToPUVPhaseout
NGAYON: Sa Liwasang Bonifacio, nagtipon ang iba't ibang sektor bilang kaisa sa pagdiriwang ng #IIWWD2023, bitbit ang mga panawagan ng karapatan para sa sahod, trabaho, pampublikong serbisyo, at edukasyon.
Kaisa ang malawak na hanap ng mamakayan sa #NoToPUVPhaseout!
Patuloy kaming nangangalap ng packed lunch and bottled waters para maitawid ang strike ng mga tsuper hanggang Sabado.
Bukas din ang aming strike center sa mga volunteer na nais makipamuhay sa mga tsuper. Mag-sign up lamang sa link na ito π https://t.co/gsotz7b5v2
KAIN TAYO! π³π
Kasalukuyang naghahanda ng pagkain ang mga tsuper at student volunteers para sa pananghalian ng Morayta tsuperheroes on strike.
Salamat sa inyong mga donasyon! May sasabihin pa ako, scroll ka please! π
#NoToJeepneyPhaseout