Heads up, Nationalians!
Looking for any tip as a freshie or senior? We suggest that you should join anakbayan!
A true student leader serves not only their fellow students, but the masses!
#TipsForNUbies#BulldORGHunt#LigtasNaBalikEskwela
Walang kalalagyan ang alaala ng isang mandarambong at mamatay-tao kung hindi sa basurahan ng kasaysayan.
Hamon ito sa lahat ng kabataang estudyante upang mangahas na tumindig laban sa pasistang diktadura ng tambalang Duterte-Marcos.
#NeverAgain#NeverForget
Dalawang araw na lamang ang nalalapit bago ang ika-36 na anibersaryo ng EDSA People Power Movement na sumiklab mula sa humigit dalawang dekadang paniniil at pang-aabuso sa mamamayang Pilipino sa ilalim ng batas militar ni Ferdinand Marcos.
#NeverAgain
Alalahanin ang kahirapang dinanas ng mamayan. Gunitain ang hirap at sakripisyo, buhay at kamatayang pakikibaka ng mga rebolusyonaryong martyr kasama ang masang lumalaban sa pagpapabagsak ng pasistang diktadura.
#NeverAgain#NeverForget
Ngayong tatakbo ang kaniyang anak na si Marcos Jr. huwag kakalimutan ang mga nangyari sa kasaysayan. Isang pagtapak sa hustisya ng nakaraan kung mailuluklok siya muli sa pamunuan.
Ang pagbalik ng kapangyarihan sa mga Marcos ay pagpatay sa demokrasya.
#NeverAgain#NeverForget
Pasismo at pagiging tuta ng diktaduryang Marcos sa ilalim ng Batas Militar ang nagtulak sa mamamayang pilipino na tumungo sa lansangan ng Epifanio De los Santos Avenue (EDSA) upang wakasan ang pagpapahirap at pagdanak ng dugo mula sa mga kamay ng rehimeng ito.
#NeverForget
Halina't pag-aralan ang kasaysayan! Alamin ang malaking papel ng mga kabataan sa pagbabagong panlipunan! Dumalo sa talakayan na "Student Power Youth on the March"
Sign up link: https://t.co/3vQxSZzArg
Mariing kinukundena ng Anakbayan National University ang kawalan ng malinaw na plano sa pabahay ng rehimen sa mga nagiging apektado ng mga kontra-mahirap na mga proyekto sa ilalim ng BBB.
KARAPATAN SA PANINIRAHAN, IPAGLABAN!
#NoToDemolition#StandWithThePoor
ALERT 🚨
Kasalukuyang iginigiit ang pagpapalayas sa mga residente ng Antipolo, Sampaloc, Manila ng DPWH para sa kapakanan ng pagtutuloy ng Build, Build, Build project na NLEX-SLEX road.
Ito ay sa kabila ng walang tiyak na relokasyon at lumalalang pandemya.
#NoToDemolition
Kinonsulta nito ang lagay ng komunidad sa gitna ng nakaambang pagpapalayas para maisulong ang PNR expansion sa ilalim ng proyektong Build, Build, Build ng rehimeng Duterte.
Inirehistro ng Kabataan PL ang mahigpit na pakikiisa nito sa kontra-demolisyon na laban.
#NoToDemolition
TINGNAN: Tumungo sina Kabataan Partylist Cong. Sarah Elago at 1st nominee Raoul Manuel sa Sampaloc, Manila upang kamustahin ang kalagayan ng maralitang lungsod na kumakaharap ng demolisyon.
#NoToDemolition#StandWithThePoor
GUANZON ON DISQUALIFICATION CASE OF BONG BONG MARCOS JR. : "JUSTICE DELAYES IS JUSTICE DENIED."
Anakbayan National University stands in solidarity with retiring Comelec commissioner Rowena Guanzon's vote in favor of the disqualification case against Bong Bong Marcos Jr.
By adding a true progressive in their Senatorial slate, 1Sambayan takes a positive step in creating a strong opposition.
More: https://t.co/tJWiAJuMpV
#NoToMarcosDuterte2022#DefeatMarcosDuterte
Sa gitna ng pandemya, mga estudyante ang naghihirap sa ilalim ng administrasyon ni Duterte. Maigi lamang na maging maalam sa sitwasyon ng ating edukasyon.
Tamaraws, dumalo sa ating diskusyon patungkol sa edukasyon sa gitna ng pandemya na gaganapin bukas, 5PM via Discord.
MENDIOLA MASSACRE: IKA-35 TAONG PANININGIL SA HUSTISYA.
Ang laban ng sambayanang Pilipino ay mahigpit na nakaugat sa suliranin at pakikibaka ng magsasaka.
Ang Anakbayan National University ay kaisa sa pagpapanawagan ng hustisya sa mga magsasakang pinaslang at tunay na repormang agraryo.
Basahin ang buong pahayag: https://t.co/WgtNQU4Uqz
MENDIOLA MASSACRE, TATLUMPU’T LIMANG TAONG INHUSTISYA!
Mananatiling sariwa ang dugo ng mga biktima ng Mendiola Massacre at lahat ng mga magsasakang pinaslang ng estado hangga’t nananatili ng kawalang-hustisya at nagpapatuloy ang mala-pyudal na pambubusabos sa masang magsasaka.
PAHAYAG HINGGIL SA "NO VACCINE NO RIDE."
Matapos magkaisa ng 17 mayors sa metro manila nang pagbawal sa paglabas ng mga unvaccinated na residente laban sa covid. Opisyal na ibinaba noong ika-17 ng Enero ang "No Vaccination No ride" sa lalawigan Metro Manila.