Bong bong: Bukod sa ‘di mababawasan, Palalawigin at pararamihin pa namin ang insurance claim.
***Sure ka boi? Ibang klase din ang amats ng dugong aso nato!🥴😂
A nice piece ✨🔥
From: Daryl Yap
Ganyan nga Inday,
pagmasdan mo ang Halimaw na tayo ang gumawa.
pagmasdan mo ang taong halos halikan ang iyong paa noong kailangan ka—ngunit lahat ng halik ay mula kay hudas pala.
pagmasdan mo ang taong nakiamot lamang ng liwanag ngunit gusto ka ngayong ilagay sa dilim.
Ganyan nga Inday,
Huwag mong ialis ang mata mo sa Traydor.
tanging mga tao lamang na napagtrayduran lang ang makakaunawa sa nararamdaman mo ngayon,
yung galit, ngitngit, inis at sakit.
galit, dahil alam mong kahit hindi ka perpekto,
hindi ka masamang tao para tapakan.
ngitngit, dahil kasabay ng katrayduran ay maraming mahal mo sa buhay ang nadadamay.
inis, dahil kailangan mong harapin ang lahat ng taong sinaksak ka patalikod
at sakit, dahil pinakisamahan at pinaniwalaan mong tunay ang lahat ng kanilang ipinakita.
alam ng lahat ng napagtrayduran
na walang traydor na nagtagumpay—
wala silang maipagmamalaki,
wala silang pwedeng maliitin.
dahil ang mga Traydor,
kahit anong itsura, hugis, anyo at laki…
tuwing pinagmamasdan sila ng tao
ay hindi nila maikukubli…
ang nakikita nila ay maraming mukha
ng inggit, ambisyon, kataksilan
at kawalan ng sariling kakayahan.
kaya sila traydor ay dahil hindi nila kaya nang
harapan.
Ganyan nga Inday,
Harapin mo ang Traydor.