Aksidente ko napanood sa Netflix itong “Us and Them” isang Chinese movie. Akala ko Love Story yung tipong boy meets girl na na formula.
Pero panoorin ninyo huwag kayo bumitaw hanggang sa end credits. Tagos sa puso ang kuwento nito.
A beautiful movie for Father’s Day.
❤️❤️❤️
Pagbati sa mga Atleta ng Bayan ang UP Fighting Maroons na tumapos na sa 36 taong tagtuyot para maangkin ang UAAP Season 84 Championships.
Isang kagila gilalas na pakikipagsagupa ang inyong ipinakita. Mabuhay ang UPMBT.
#UPFight#UPFightingMaroons#UAAPSeason84Champions
UP President Danilo Concepcion pinangunahan ang simbolikong bonfire sa loob ng UP Diliman kasama ang UPMBT at mga kasapi ng UP communities matapos magkampeon sa UAAP Season 84
#UPFight#A10To#UPFightingMaroons
Kita kita tayo mamaya mga Iskolar ng Bayan noon at ngayon at buong komunidad ng ating ginigiliw na Unibersidad ng Bayan. Iwagayway ang ating suporta at pagmamahal para sa laban ng UP Fighting Maroons. Ating
ipagdiwang ang tagumpay UP Nating Mahal. A10To #UPFight 😊🙏❤️✊🇵🇭
Panawagan po ni UP CHK Dean Francis Diaz para sa lahat ng tagasuporta ng UPMBT. Bukas bilang pagmamahal sa ating koponan at sa UP Nating Mahal na manonood sa MOA magsuot po ng kulay Maroon para sa mga Atleta ng Bayan.
Let’s support our UP Fighting Maroons #UPFight 😊🙏❤️✊🇵🇭
Latag na ang dilim ganito pa din ang eksena sa maraming paaralan na naghihintay pa din ang mga botante. Hahangaan mo din talaga ang sigasig ng mga Pinoy na makaboto sa kabila ng mga hinaharap na matinding aberya sa makina na ginagamit sa halalan. 😊❤️🙏🇵🇭 #Halalan2022
Paghanga at papuri sa nagpasa ng bola kay Spencer sa nalalabing mga huling segundo ng Game 1 UAAP Finals para maitabla ang puntos ng UP Fighting Maroons sa
70 - 70 kontra Ateneo Blue Eagle. Mabuhay ang mga Atleta ng Bayan at pagbati sa UP MBT ❤️✊😊🏀🇵🇭#UAAPSeason84#UPFIGHT
Pagbati sa UP Fighting Maroons sa inyong pagwawagi kontra La Salle Green Archers sa makapigil hiningang puntos na 78 - 74. Tuloy na ang Battle of Katipunan para sa Kampeonato. Salamat UPMBT nakasuporta sa inyo ang buong UP community. Manalig lang tayo. #UPFight 😊❤️🏀✊💖🙏🇵🇭
Ngayong gabi tinapos na ng UP Fighting Maroons ang pamamayagpag ng Ateneo Blue Eagle sa nakaraang 39 na bawat laro ng pakikipagsagupa nito sa UAAP.
#UPFight#UAAPSeason84
Kulay Rosas ang Hiyawan 💕💕💕
Leni Kiko Proclamation Rally sa QC Circle
Kuha ng aking Director of Photography sa halos nakaraang tatlong dekada na si Jimmy Dasal.
Watch Abner Mercado's documentary on the Balangiga bells on ABS-CBN Current Affairs' 'The Correspondents' wayback in 2006 here. @AbnerMercado
https://t.co/SiaKlAWNPD
Balikan natin ang
kuwento ng makasaysayang mga Kampana ng Balangiga. Mula sa The Correspondents sa ikatlong taon nang paggunita sa pagkakabalik ng mga ito sa ating bansa. 😊🔔🇵🇭
#CAThrowback
https://t.co/bQgm6fx775
Simula bukas November 15 magbubukas na ang Academic Oval sa UP Diliman. Narito ang mga tagubilin ng Office of the Vice Chancellor for Community Affairs ng UP Diliman. Ingat palagi sa ating kalusugan. Sa sama samang pakikiisa at panalangin magwawagi tayo sa digmaan ng pandemya.
Salamat sa aking minamahal na UPMaskom sa parangal bilang isa sa pitong 2021 Glory Gawad Gloria Feliciano Awardees. Ang gawad na ito ay para sa mga kasamahang manggagawa sa industriya at sa mga Kapamilya na nagtataguyod para sa kadalisayan ng malayang pamamahayag. #UPNamingMahal