May se share ako nakakahiya pero for awareness nyo na din.
I was scammed in A'tin Buy and Sell, naging busy din ako sa Bday ni Stell kaya di ko napansin na after sending him yung payment e in-erase nya lahat ng convo namin.
Nalala ko lang kahapon na bakit di ko pa nakukuha package ko e more than a week na. Now di na ma message yung acct nya.
Trusted ko na din kasi yung group ilang beses na ako nakabili pero madami talaga manloloko. Kaya doble ingat na lang sa all. Manghingi ng id or kaliwaan na lang if malaki amount na involve.
Salamat sa mga moots ko who comforted me agad when I shared this, lalo na kay othor (di ko na sya i mention kasi mahiyain sya).
Baka mamaya nagbebenta din sa inyo tong acct na to please help me trace din sya para maireport natin at wala na syang maloko.