TINGNAN: Nakuhanan ng drone video ang superpod ng dolphins sa Apo Reef Natural Park sa Sablayan, Occidental Mindoro noong Mayo 26, 2026.
Sabi ng kumuha ng video na si Coach Pilyo, sakay sila ng bangka pauwing Sablayan ng magpakita ang napakaraming dolphins. (๐น: Coach Pilyo) | via @Dennis_Datu
Pwede bang i-normalize natin na huwag bumoto ng mga artista sa higher positions na walang alam, lalo na sa batas?! Ginagawa lang nilang retirement plan ang gobyerno.
Ang nagdaang tatlong linggo sa Senado sa loob ng pitong minuto.
Manatili tayong mapanuri at mapagbantay sa mga nangyayari sa ating bayan.
Sana ay makabalik na tayo sa mga trabahong nabinbin lalo naโt nasa krisis pa ang mundo dahil sa krisis sa langis.
Flood control funds? Government contracts? SALN? Dapat madaling makita ng taumbayan.
Pasado na sa Kamara ang Right to Information Bill. Panoorin para malaman kung bakit ito mahalaga.
I-like, at i-share kung gusto mong maging batas ito!
The chaotic displays and theatrics of the Duterte-leaning senators are a calculated delaying tactic and a diversionary strategy. These disruptions aim to distract the public and control the narrative amidst corruption allegations, looming ICC arrests, and impeachment proceedings.
Bakit tayo nag-NO sa Anti-Political Dynasty Bill? Dahil ang totoo, ito ay isang Pro-Dynasty Bill.
Under this measure, one clan can hold positions across multiple levels of government. Therefore, concentration of power still remains in the hands of a few families. Kung sila ang mga nakaupo sa taas, at sila rin ang mga nakaupo sa baba,
pwede pa ring magkampihan, magtulungan, at mag-protektahan.
Pwede pa ring magbaba ng kontrata at proyekto ang isang Senador at isang Congressman para sa kapatid nilang Governor. Pwede pa ring gamitin ng isang Governor ang kapitolyo para harangin at ipitin ang kalaban ng mga anak niyang tumatakbong Mayor sa magkatabing siyudad. At pwede pa ring gamitin ng isang Pangulo ang buong puwersa ng gobyerno para pagtakpan ang mga anomalya ng pinsan niyang Kongresista.
Hindi rin sakop ng panukala ang party-list. Kaya maaari pa ring maging District Representative si mister, habang si misis naman ay nakaupo sa tabi niya bilang Party-list Representative.
Ang tanong: Nasaan ang pagbabago? Hindi nito winawakasan ang paghahari ng mga dinastiya, kundi ginawa pa itong legal at bahagi ng sistema.
Alam mo, @robinpadilla23, kung anong hindi โallegedlyโ?
Ito:
1. Yung convicted criminal ka of a crime involving moral turpitude, at it was a huge mistake for you to be pardoned because you are a menace to society.
2. Yung mahina ang utak mo, tamad ka pa na aralin mga issues. You are unbecoming of a Senator, at sayang ang pasweldo sayo ng taumbayan.
3. Yung kunyari eh nationalistic ka na ayaw mo malitis si Bato ng mga tinatawag mong banyaga, pero makitid lang talaga kokote mo na hindi mo naiintindihan na ang International Law ay part of the law of the land, batay na rin sa ating SARILING Saligang Batas. Pero sa issue ng Tsina at West Philippine Sea, nga-nga ka.
4. Yung katotohanan na wala ang loyalty mo sa taumbayan kundi sa mga Duterte at kaalyado mo lang.
5. At bukod sa lahat, yung hindi ka talaga namin deserve.
Layas dyan sa Senado. Binababoy mo ang institusyon.
Sa wakas! Approved on third and final reading sa Kamara ang ating Right to Information (RTI) Bill!
Karapatan ng bawat Pilipino na malaman kung saan napupunta ang pera ng bayan.
Sa pamamagitan ng RTI Bill, magiging mas mabilis at mas malinaw ang pagkuha ng impormasyon mula sa gobyernoโgaya ng SALN ng mga opisyal, mga kontrata sa proyekto, at rekord ng mga pampublikong transaksyon.
May mabigat na parusa ang batas na ito para sa mga magtatago ng dokumento, habang poprotektahan naman ang mga matatapang na maglalantad ng katiwalian. Magtatayo rin ng isang RTI Commission na may tunay na ngipin para ipatupad ang batas.
Ang susunod na hakbang: Pagsasamahin ang bersyon ng House at bersyon ng Senado sa isang bicameral conference. Tapos, iaangat ito sa Pangulo para pirmahan.
Malayo pa, pero malayo na ang ating narating. Higit dalawang dekada na ang nakalipasโnoong 12th Congress pa lamangโnang ihain ng Akbayan ang Freedom of Information Bill na siyang isa sa unang mitsa ng panukalang ito.
I-share ito kung naniniwala kang walang dapat itago ang gobyerno sa mamamayan!