*Ang bidyo ay isang timelapse ng live painting ni Sam A, miyembro ng Alay Sining, sa "Haranang Bayan: Isang Gabi ng Pag-alala kay Ericson Acosta", ginanap noong Nob. 29, 2024 sa Student Union Building, UP Diliman.
Sa bawa’t pagkilos at paglikha ng mga obra, isinasabuhay ng mga kabataang-artista, kultural na manggagawa, at iskolar ng sining at kultura ang pag-ibig na dinakila ni Bonifacio sa kanyang tula.
Mga Artista ng Bayan, kalayaan ang ating sigaw, at sa bigwas ng tagumpay ang paglaya!
Mabuhay si Gat Andres Bonifacio!
Mabuhay ang alaala ni Ericson Acosta!
Mabuhay ang mga Artistang lumalaban!
#BonifacioDay2024
Bukod sa pagiging lider ng Katipunan, si Andres Bonifacio ay naging isang makata rin. Ang kanyang tulang “Pag-Ibig sa Tinubuang Lupa,” ay nag-udyok sa mga Pilipino na ipaglaban ang kanilang kalayaan sa ngalan ng pinakamataas na porma ng pag-ibig: ang pag-ibig sa sambayanan.
Pahayag ng Alay Sining sa #BonifacioDay2024 at Ikalawang Taon ng Pagkamartir ni Ericson Acosta
ARTISTA NG BAYAN, ISABUHAY ANG REBOLUSYONARYONG DIWA NI BONIFACIO! GUNITAIN ANG PAGKAMARTIR NI ERICSON ACOSTA AT SINGILIN ANG PASISTANG ESTADO!
Bago pa man pumutok ang Rebolusyon ng 1896, pinangunahan na ito ng isang kultural na rebolusyon na inihanda ang sambayanang PIlipino na yakapin ang rebolusyonaryong dahas bilang wasto, makatwiran, at tanging daan tungo sa tunay na kalayaan.
TIGNAN: Nagkasa ng kilos-protesta ang mga Iskolar ng Bayan sa harap ng Bahay ng Alumni upang kundenahin ang pagbisita ni Imee Marcos sa UP Diliman at ang lantarang pagtago ng balitang ito sa komunidad.
Sa kanilang mga talumpati, inalala ang mga krimen ng pamilyang Marcos—kabilang ang pagpatay at sapilitang pagkawala ng mga estudyante, aktibista, at human rights defenders noong Martial Law ni Marcos Sr.